抖阴社区

HATE ? FIFTY-NINE

238 65 2
                                    

Ellaine

HINDI ko pa rin makalimutan 'yung nangyari kahapon doon sa milktea house. Pangitang pangita na si Kuya'y natamaan na talaga kay Alexia. Hindi ko siya maasar ngayon dahil birthday niya at baka ma-badmood 'yon—nako.

Sumilip ako sa ibaba mula rito sa hagdanan at puro pumpkins at pekeng sapot ng gagamba, sabay noon, mayroon pang kawit ni kamatayan—nakakatakot.

Bumaba ako para uminom ng tubig pero hindi na ako nakatuloy uminom dahil nakita ko roon sa may edge ng pader, doon sa salas ang napakaraming regalo kaya tiningnan ko. Tumingin din naman ako sa dalawa kong kapatid na busy sa kanilang ginagawa.

"Kuya, si Dad ba darating?" tanong ni Kian.

"Hindi ko alam, sana'y dumating siya," sagot ni Kuya.

"Mas maganda kung hindi na siya darating," sabat ko 'tapos umupo sa couch. I'm just kidding, sana nga dumating si Dad para mas lalong maging masaya si Kuya.

"Ate, huwag ka naman pong ganiyan! Kawawa naman si Kuya kung hindi si Dad darating sa birthday niya."

"Pero hindi siya dumating noong birthday mo," mahinahon kong sabi. "Pero baka malay mo dumating siya na unexpected 'di ba?"

"Opo Ate, pero Kuya okay lang sa 'yo kung hindi nga talaga dumating si Dad?" tanong ni Kian.

"Oo naman at alam ko naman kung gaano siya ka-busy, pero ang mas magandang birthday gift na ibibigay ni Dad sa akin ay 'yung dadagdagan niya pa ang allowance ko sa bank account ko, wahahaha!"

Napangiwi na lamang kaming dalawa ni Kian nang dahil sa sinabi ni Kuya. Kahit kailan talaga, puro kaswapangan ang alam niya.

"Oh, bakit naman ganyan ang reaction n'yo?" tanong ni Kuya.

"Wala!" sabay pa kami ni Kian.

"Wait Kuya! Magco-costume ba sina Lola?" tanong ni Kian.

"Nako, hindi nga eh! Kasi ayaw nila!" sabi ni Kuya. "Pinilit ko sila, pero wala eh, gusto nila na naka-hat lang kagaya ng sa witch at si Kuya Jonas naman talagang ayaw niyang mag-costume."

"Ah, ganoon, ganoon."

Ako nama'y kinuha ko na lang ang phone ko at saka nag-bukas ng facebook. Maraming nag-pop up na notifications galing sa facebook at nag-private message sa akin.

"Kuya, mag-live ka nga at gawa ng mga fans mo, tinadtad ako ng messages. Hindi raw nila ako titigilan hangga't hindi ka nakikita!" pagrereklamo ko.

"Sana hindi ka na lang nagbukas ng facebook kung magrereklamo ka ng ganiyan! Hayan tuloy, pero okay, sige, pagbibigyan ko sila."

Ang yabang talaga ni Kuya kaya talagang mapapairap na lang ako. Kinuha niya ang phone niya saka nagkutingting sabay itinapat niya ang mukha niya sa phone at nag-start mag live.

"Hello guys, thank you very much for your regards! Yeah I know I'm handsome. Thank you, thank you! Yes, for those first ten persons na walang invitations, maswerte kayo dahil pwede kayong makapasok! Hindi ako ang magpapasok sa inyo, syempre ang cute kong kapatid. Nah! Kian is handsome, yes—si Ellaine." Sabay tutok niya sa akin ng phone. Depungal.

"Hehehe, hi!" Pagkatapos niyon, inalis niya na ang phone niya sa tapat ng mukha ko, Grr, kahit kailan talaga Kuya! Pahamak ka!

". . . and for those na hindi na pwedeng pumasok huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil pwedeng magpapicture or autograph sa aming apat. Birthday ko naman kaya pagbibigyan ko na kayo . . ."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon