EllaineTINAWAGAN ko kaagad sina Kuya at nagmadali naman silang dumating. Isinugod namin si Zander sa hospital dahil puro pasa at sugat ang tinamo niya kanina.
Hindi ko pa rin alam kung . . . kung . . . B-Bakit siya nagkaganito?
May kaaway ba siya?
Hindi ko maiwasang mag-alala. Sana, hindi na lang ako umalis. Sana hindi ko siya iniwan. Kasalanan ko ito. Dapat 'di ko na lang siya pinag-intay sa labas, kasalanan ko talaga 'to.
Noong nasa hospital na kami, kaagad siyang dinala sa isa sa mga kwarto rito. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon at nag-aalala ako ng sobra para roon.
Paano 'yan? Baka bukas hindi pa rin siya magising. Paano na 'yung present—bakit ko ba iniisip 'yung presentation eh wala 'yung partner ko.
Bwiset, kung sinuman ang mga nambugbog kay Zander, talagang ipapakulong ko talaga 'yung hudas na 'yon.
Asawa ko 'yung binugbog nila! Okay, stop Ellaine, masiyado kang ilusyonada.
"You need to go home now, Ate Ell. Alam kong pagod ka na," sabi ni Alexia.
"Okay lang ba? Kailangan ko pa kasi asikasuhin 'yung report."
"No problem, alam kong sasabihin din 'yon ni Kuya Z. Go home now, sumabay ka na sa kapatid mong si Eice."
"Thank you, balitaan mo ako ah. I need him." Saka ako tumalikod at tinawag si Kuya para umuwi.
Kinabukasan, maghapon akong nag-ready para sa report namin. Binasa ko lahat ng ginawa ni Zander. Ginawan na naman ng paraan ni Kian ang report, ngayon ko lamang nalamang na kay Kian kasi ang flashdrive ni Zander na naglalaman ng aming powerpoint at saka 'yung ipi-print sana niya.
Nakakahanga kasi perfect ang pagkakagawa niya. Sigurado naman akong makikita ng lahat ito dahil gagamit kami ng projector.
Ready na ang lahat.
Ready na nga ang lahat, pero hindi pa rin ako ready dahil hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay.
Bakit kasi nagkaganiyon pa siya?
Dinalaw ko siya sa hospital para tingnan ang kaniyang kalagayan. Pumunta ako sa kwarto niya kung nasaan siya at buti't walang tao dahil mga nasa labas sila.
Tinitigan ko siya, nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. Puro mga pasa ang tinamo niya sa kung sinuman ang nambugbog sa kanya.
"Sorry, dapat 'di na lang kita iniwan sana umalis na kaagad tayo noon."
I felt guilty.
Umupo ako sa tabi niya. Siguro 'di niya naman maririnig ang sasabihin ko kasi magsasalita muli ako.
Bahala na.
"Kung kailan malapit na ang report saka ka pa nagpabugbog. Akala ko ba malakas ka!" Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil. "Sorry kung sobra kong kulit, pero pakiramdam ko, hindi ko talaga kakayanin na wala ka. Kailangan kita, hindi ko kayang mag-isa." Saka ako tumayo. "Pero napaka-selfish ko naman kung pipilitin kitang bumangon diyan para lang samahan ako. Get well, Zander—sobra mo akong pinag-alala."
Pagkatapos kong pisilin ang kaniyang kamay, binitawan ko ito ng dahan-dahan. Pagkatapos noon, naglakad ako papuntang pintuan ng silid na ito. Noong nasa pintuan na ako may naririnig akong usapan, dahilan para hindi ako tumuloy.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...