抖阴社区

HATE ? FORTY-TWO

215 72 1
                                    


Vhan

PROBLEMADONG problemado kami ngayon dahil sa nangyari kanina. Ellaine admitted that she's the one who spread a news about Katherine. Currently, wala si Kaizer dito dahil nasa clinic siya kaya tanging kaming tatlo lamang ang narito.

Biglang dumating si Kaizer kaya naman napatingin kami sa kanya. "Ano kumusta na si Ellaine?" tanong ko.

Wala kaming mukhang maiharap sa mga kaibigan nina Ellaine dahil sa nangyari kanina. Hindi namin nagawang ipagtanggol sila, parang nawalan kami ng lakas na magsalita. Si Zander naman, kinapalan niya ang mukha niya kanina. Siya kasi ang nag-buhat kay Ellaine papuntang clinic. Minura niya pa nga si MJ kaya hayun! Siya ang nagbuhat.

"Over fatigue at sobrang nilalagnat si Ellaine," sabi ni Kaizer. "Siguro nag-start nang sumama ang pakisala niya noong awarding kasi sobrang tamlay niya noon." Sabay tingin kay Zander. "Naroon din si MJ. Nakakainis 'yung pagmumukha nang gunggong na iyon." Sabay kagkag sa ulo niya na parang naiinis.

"Ang dapat ayusin natin ang gulo," sabi ni Ethan. "Kung si Ellaine man ang may kasalanan, she need to face her punishment. Nakasaad sa batas ng school na kapag nagkalat ng fake news, papatawan ng expulsion."

"Naniniwala akong walang kasalanan si Ellaine," sabi ko at saka sila tiningnan, isa-isa.

"Ako rin," sabi ni Kaizer. "Hindi ganoon si Ellaine, hindi nga iyon maalam mang-hack ng account, magkalat pa kaya ng fake news."

"As soon as possible, we need to create an investigation and gather evidence," Ethan suggested.

Paano kaya ito? Sasabihin ko kaya 'yung nangyari kay Ellaine? Pero paano kung magalit naman si Ellaine sa akin, nag-promise sa kaniya.

Makausap kaya si Jamie? Pero baka galit din 'yung isang iyon sa akin. Kaya naman nag-baka-sakali na ako at kinuha ang phone ko saka nag-text kay Jamie.

"Pwede ba tayo mag-usap?" I asked her through text.

"Sige," reply ni Jamie.

"Call K.O," sabi ni Zander.

"Seryoso kang ipapatawag mo talaga si K.O?" react ni Kaizer. Potek! Nagpuputak pa talaga.

"Guys, alis lang ako ha," sabi ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ethan.

"Sa labas lang."

Pagkarating ko sa milktea shop na malapit lamang sa campus, nadatnan ko si Jamie na nagsusulat. Kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong nito sa sandaling makaupo na ako. "Pagbibintangan mo rin ba kaming dalawa ni Ellaine?"

"Hindi ako mambibintang," sabi ko. "I'm here to help."

"What kind of help? At saka ngayon pa kung kailan inako na ni Ellaine ang kasalanan," sabi ni Jamie at saka niya ako sinamaan ng tingin. "Parang pakiramdam namin hindi n'yo kami pinagkakatiwalaan eh!"

"Jamie, pinagkakatiwalaan namin kayo, hindi lang namin sinasabayan ang bitawan ng mga salita n'yo, to respect each others' side," sabi ko. "Kaya nga ngayon gumagawa na kami ng hakbang para maging maayos itong issue."

"Yes! Dapat lang! Kasi kapag hindi n'yo kami tinulungan, baka ma-expell si Ellaine at kapag nangyari iyon, we will hate you, H4!"

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon