Ellaine"LOLA, pupunta po kayo sa birthday ko ah!"
Nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa kabilang kwarto dahilan din para ako'y magising. Tiningnan ko ang orasan at 5:00 a.m pa lang ng umaga.
Pikit na pikit pa ang mata ko at kulang pa sa tulog. Nakatulog na ako mga bandang 1: 00 a.m dahil tinapos ko pa 'yung 1,000 words essay sa Creative Writing.
Lola, pupunta po kayo sa birthday ko ah!
Bigla na lamang sumagi sa aking isipan 'yung usapan na kani-kanina ko lamang narinig.
L-Lola? Lola Ersa?
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ni Kian. Kasi alam kong si Kian 'yon na kausap ni Lola dahil malapit na ang birthday niya.
Kumatok muna ako sa kwarto ni Kian at pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya.
"Lola! Gising na pala si Ate," sabi ni Kian.
Lumapit ako roon sa kama ni Kian at bumungad sa akin si Lola na naka-video call.
"Oh Apo, mukha yatang hindi ka nakatulog ng maayos, ang laki ng eyebags mo," puna ni Lola sa 'kin.
Narinig kong humalakhak si Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi man ito natinag sa halip ay lalo pa itong humalakhak. "Nako Lola, sure akong mga 1:00 a.m na iyan natulog, naggagawa ng essay. Nakakuha ka siguro ng lowest score kay Sir Joan ano?"
Naalala ko iyong si Sir Joan, actually Joe talaga ang pangalan niya at hindi Joan. Magaling siyang teacher, mabait, pero sobra talaga siyang nakakatakot kapag nagagalit, lalo na kung may mga bumagsak sa mga assessment. Nagiging mahigpit siya roon kaya kung sinu-sino ang hindi nakakaabot ng passing score, pinaggagawa niya ng essay with 1,000 words.
Kaya naman sinamaan ko si Kuya ng tingin. Sobrang sama niya sa part na tinatawanan pa ako dahil doon.
He is such a bully!
"Nako Ellaine, mamaya ah matulog ng maaga! Mahirap na at anemic ka, mamaya baka may kung anumang mangyari sa 'yo!" sermon sa akin ni Lola na siyang naging dahilan ng pagtawa ni Kuya. "Kaizer, kapag may assignment si Ellaine mamaya, ikaw muna ang maggawa."
Tumingin ako kay sabay humalakhak. My Lola Ersa do a payback for me.
"Lo-"
"No angal-angal! Just do it!" ma-otoridad na sabi ni Lola.
"Oo na nga po," sabi ni Kuya at tumingin sa akin. "Ibigay mo sa akin ang assignment mo, baka mapagalitan pa ako ni Lola."
"Oh ikaw naman Kian, basta pupunta ako sa birthday mo ah? Don't worry!" sabi ni Lola.
"Lola, pasalubong ng saging na saba ha!" singit ni Kuya na nagiging unggoy na naman.
"Oo naman mga apo. Kayo pa ba? Malakas kayo sa akin eh. Basta ba, dumalaw rin kayo rito sa Batangas ha."
"Opo!" sabay naming tatlo.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...