抖阴社区

HATE ? SIXTY-THREE

229 75 0
                                    


Kaizer

HININTAY ko sila sa aming tambayan at habang naghihintay, nagbasa lang ako ng kung ano-ano. Pati 'yung nasa envelop na ebidensya na ang mga traydor ay sina Kieth, Karen, Grace, at Joseph. And the rest, sila talaga ang mapagkakatiwalaan ko sa student council.

Napapaisip ako kung paano ko malulusutan itong problema na ito. Ayaw ko namang humingi ng tulong kina Vhan dahil nahihiya na ako sa kanila. Sarili kong problema ay nadadamay rin sila.

"What are you doing here?" bungad na tanong niya habang nasa pintuan pa siya.

"Nakakahiya man sabihin pero tama ka sa sinabi mo. Masyado akong naging padalos-dalos kanina at hindi ko iniisip na may buhay pala na nakasalalay sa mga sasabihin ko."

"And?" tanong niya.

"I'm sorry," sincere na sabi ko.

"Apology accepted, but . . ."

Lumapit siya sa akin. Ano naman kayang gagawin nito?

"Aray!" Sabay hawak ko sa ulo ko. "Baliw ka ba, Taba? Ano na naman bang ginawa ko sa 'yo?" Sinapok niya ako eh aba'y malamang na ganoon ang magiging reaksyon ko.

"Kabayaran lang 'yan sa mga ginawa mong kasalanan sa akin, tsk," sabi niya sabay upo naman sa couch. "Anong plano mo? Kuya Z already know who are the culprits, sa likod ng pagpapasunog sa laboratory."

"Si Adamiyn?"

"Yep, pero may spy nga siya rito sa loob. Gosh, hindi mo pa rin ba gets? Ang mga traydor 'yung spy!" sabi niya. "Pinagplanuhan talaga nila ng mabuti ito at alam nila na malalaman natin kung bakit nila nalaman na gangster tayo at malalaman natin na traydor sila."

Bakit ba parehas sila mag-isip ng pinsan niya? Going back to the topic, may point siya pero nangangapa kami sa ebidensya.

"Alam kong namomoroblema ka sa ebidensiya." Sabay ipinakita niya sa akin ang cellphone niya.

"Ano naman 'yan?" takang tanong ko.

"Tanga ka ba? Malamang cellphone 'to!"

"Eh anong mayroon sa cellphone mo?"

"Narito ang mga ebidensya na nagpapatunay na sila ang nagpasunog ng laboratory. Use your common sense naman!"

"Patingin nga ako-"

"Kaizer! Kaizer!" Napalingon ako kay Vhan na ngayon ay humahangos. Halatang tumakbo ang gunggong.

"Ano?" paangil na tanong ko.

"Pinapatawag ka sa Dean's office!"

Nagsumbong na ang mga duwag. Mga duwag ang mga hanep.

"Let's go Eice!" pag-aaya ni Riella sa 'kin. Tinitigan ko muna siya pero inirapan niya ako. "My goodness! Alam kong nahihiya ka sa amin magpatulong, pero please, sumama ka na sa amin, since you are the one who is involved here."

Sa sinabi ni Riella, doon ako nakumbsing sumama.


Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon