Vhan
"I HATE you Kuya!"
Biglang napahagalpak ng tawa si Kaizer dahil sa sigaw ni Ellaine. Parang ulaga talaga 'tong si Kaizer. Napatawa na lang si Ethan dahil feeling ko gets niya kung bakit tumawa si Kaizer.
"Anong mayroon?" tanong ko.
"May pagka-slow ka rin minsan 'no?" sabi ni Kaizer. "Ellaine hates my birthday party theme."
"Ahhh oo nga pala," sabi ko sabay nakitawa na rin ako. Ngayon gets ko na.
"Hoy, kanya-kanyang costume 'yon ah!" sabi ni Kaizer.
"Malamang! Alangang mag-share tayo sa iisang costume," pambabara ko.
"Napilitan nga lang kami eh," sabi ni Ethan.
"E 'di huwag kayong umattend! Problema ba 'yon?" sabi ni Kaizer. "Kapag naman kayo eh!"
"Heto namang si Kaizer, tampo agad! Syempre darating kami bukas!" sabi ko.
"Kaizer! Natanda ka na ah! Kaya mag-asal matanda ka naman! You're acting like stupid little kid!" pangsesermon ni Ethan.
"Nyenyenye, I don't care!" sabi nito. "Ako nga ang mas matanda, pero ako mas mukhang bata eh ikaw Ethan, mas bata ka nga sa akin pero mukha ka namang matanda! Wala rin 'yon 'no."
Pinagsawalang bahala naman ni Ethan ang sinabi ni Kaizer, pagkatapos ay parang 'di pa nakuntento si Kaizer kaya naman biglang tinuro si Zander na tahimik lang na nakaupo. "Heto talaga ang literal na bata pero mukhang matanda! Kuruin mo 'yon, palagi na lang seryoso kaya nagmumukhang matanda eh."
Biglang sinenyasan ni Zander si Ethan sabay nasikmuraan ni Ethan si Kaizer. Patay! Buti'y hindi napalakas ang suntok dahil grabe 'yang kamay niyan, parang bakal. Pagkatapos niyon, nagsumbatan na 'yung dalawa.
"Kuya!" sigaw ni Ellaine sabay sinalakay si Kaizer at umupo si Ellaine sabay niyugyog ito.
"Ano ba?" iritang tanong ni Kaizer. "Huwag mo akong guluhin baka matalo ako ni Ethan!" reklamo pa. "Ayan talo na ako! Ano ba kasing problema?"
"Kuya!! Please, baguhin mo ang theme ng party mo! Bakit kasi hayun pa ang napili mo? Nang aasar ka ba? Napakasama talaga ng ugali mo!"
"Settled na ang lahat naipamigay ko na ang invitation cards. E 'di kung ayaw mo, doon ka sa kwarto mo at magdusa ka roon."
"Kuya . . . " Pagmamakaawa ni Ellaine while she's clinging on Kaizer's arm.
"Hindi nga kasi pwede, hindi naman ikaw ang may birthday eh!"
Napailing ako. Heto talagang si Kaizer! Hilig niyang inisin ang kapatid niya para tuloy silang bata na nagtatalo para lang sa isang candy.
"Nako Kuya, pwede sana eh! Saka alam ko namang wala akong karapatang magsabi ng ganito sayo pero Kuya! Baka may magsuot ng mga kinaayawan kong-arrgh! No! No! No!" iritadong sabi ni Ellaine.
"Oo na! Oo na! Wala namang magsusuot ng ganoon eh! Kaya wala kang dapat ikatakot!" sabi ni Kaizer. "Saka nasa closet mo 'yung costume na susuotin mo bukas."
Biglang ngumiti ng pagkalaki si Ellaine sabay niyakap ng mahigpit ang Kuya niya. "Ayiee! Lablab talaga ako ni Kuya! I love you talaga Kuya!" Sabay pinagtatadtad ng kiss si Kaizer. "Mwahh!"

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...