抖阴社区

HATE ? THIRTY-FOUR

266 72 5
                                    

Jamie

GRABE si Doctor Harvey sa akin, pumunta lang ako sa clinic, binigyan niya ako kaagad ng gamot at 'yung gamot na 'yon ay para raw kapag sumakit ang ulo ko, may gamot na ako para inumin.

Hayun naman kasi talaga ang palagi kong dahilan kapag napunta ako sa clinic, lagi namang nagkakataon na masakit ang ulo ko kasi sobra talagang nakakastress lalo na kung ang mga gunggong na iniinterview ko ay pasaway. Stressful talaga ang pagiging journalist, but this is my passion, dito ako masaya kaya ipagpapatuloy ko pa rin ito kahit na nahihirapan ako.

I captured another shots again gamit ang aking DSLR camera na nakasabit sa leeg ko.

Lumapit naman ako sa may court.

Another history na naman ang naitala ng mga atletang ito sa Zage. Habang naghahanap ng magandang shot, nakita ko sina Ellaine at Zander na magkayakap. Wow, himala 'to ah! Akala ko ba galit si Ellaine kay Zander? What a sus.

Nag-captured muli ako ng picture nila. Nakakakilig naman talaga sila eh, sobra! Sinisigurado ko na balang araw magkakatuluyan itong dalawang ito.

Kung mai-feature ko kaya sila sa Zage Gazette or sa Zage School Forum? Oh nevermind, baka may magalit pa kay Ellaine.

Kung talagang real couple sila, I assured you, nai-feature ko na sila sa ipu-publish na magazine front page kaagad sila.

Pero hindi eh, kaya 'di bale na lang.

Pagkatapos kong mag-picture inaya ko ang mga kasamahan ko na mag-picture by couple at pumayag naman sila. Siyempre, match making na rin since ang mga pinag-couple ko ay talagang bagay sa isa't-isa.

"Jamie," tawag ni Vhan.

Lagi na lang pasulpot sulpot 'tong lalaking, pero hindi ko naman maipagkakaila na magaling talaga siya sa paglalaro ng basketball at ang liksi liksi niya, kaya nakakahanga.

"Ano 'yon?" pasinghal na tanong ko.

"Heto naman laging galit."

"Ano nga kasi 'yon?" tanong ko ulit.

"Pakinggan mo 'yung sinasabi ng mga taga Empire."

Tumahimik siya kaya naman napatahimik ako at pinakinggan namin ang pinag-uusapan ng mga taga-Empire.

"Hayun ba 'yung Ellaine na kasama lagi ni Andy?"

"Oo siya nga, ang landi talaga ano? Noong una nilalandi si Andy bebe ko tapos 'yung heartthrob naman dito sa Zage, gano'n din? Grabe, pinatos na lahat."

"Sinabi mo pa! Hindi ko ba alam kung bakit lahat nagkakagusto riyan sa babaeng iyan."

"Nakakainis talaga!"

"Kaya siguro ginagalingan na ngayon ng volleyball natin ang pag-eensayo para matalo 'yang babaeng 'yan. Sigurado akong ilalampaso 'yan ng mga 'yon and I am glad kung nalumpo pa siya."

Hearing those words behind my friend boils me, buti na lang napigilan ako ni Vhan at kung hindi bangas-bangas na ang pagmumukha nila paglabas nila sa school na ito.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon