抖阴社区

HATE ? SIXTY

249 65 4
                                    

Ellaine

MATAPOS ni Vhan mag-speech, umupo siya sa tabi ni Kuya na mukhang dismayadong dismayado.

"Bakit kasi 'yon?" tanong ni Kuya.

"Kung hindi mo tinanggap 'yon e 'di ang ibig sabihin niyon ay masama ang ugali mo," sabi ni Vhan na halatang pinipigilan ang tawa.

"Oo na, pero ang cute nila." Sabay ngiti ni Kuya. "Ano bang mga pangalan nila?"

"Hetong babae na puting guinea pig ay si Xia at heto namang brown na lalaki ay si Kai," pagpapakilala ni Vhan. "Alagaan mo 'yan ng maigi ah at alam ko namang pet lover ka."

Oo, pet lover si Kuya at tandang tanda ko pa na sumali pa siya sa isang club na kung saan naglalayong na huwag abusuhin ang mga hayop. Kahit na minsan ay nagchochoda siya sa pusa ko. Kaya nga lang hindi na si Kuya nag aalaga dahil minsan niya ng napabayaan ang rabbit. Nakakalungkot dahil nabangga 'yon, kaya talagang iniyakan pa namin iyon, syempre malambot ang puso ko sa mga alaga.

"Syempre naman, aalagaan ko sina Xia at Kai," sabi ni Kuya.

"May performance pa kayo ni Ethan ah," sabi ni Vhan. "Punta na roon! Tamo si Balot naroon na sa stage."

Bakit balot tawag nila kay Ethan?

Nasa stage na silang dalawa at sobrang entertaining dahil kahit papaano, kahit halloween ang theme, naaliw ka at hindi matatakot.

'Cause if you like the way you look that much
Oh, baby, you should go and love yourself
And if you think that I'm still holdin' on to somethin'
You should go and love yourself.

We give them a round of applause. Ang galing kasi nila, bagay ang tandem nilang dalawa sa pagkanta.

"Sa aming lahat, ang may pinakang maganda ang boses ay si Ethan," saad ni Vhan.

Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na siya. Hindi naman kataka-taka kay Ethan, siya kaya ang may angelic voice.

"I-rank mo nga," sabi ko. Ano 'to mobile legends?

"Syempre ako ang kasunod . . ." Kahit kailan talaga 'tong si Vhan. "Pangatlo si Kaizer . . ." Sabay tigil ni Vhan.

"How about Zander?" tanong ko sa kanya.

"Siya ang least, palaka siya sa kantahan eh! Ang panget ng boses niyon eh!"

Grabe naman siya kay Zander. Aba eh, kahit galit siya sa akin, ipagtatanggol ko pa rin sya. Saka maganda ang boses ni Zander and I love his voice.

"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?"

"I heard him singing," sabi ko. "Because he sang for me, before."

Napalaki ang mata ni Vhan at kumunot ang noo. "I never heard him singing that is why I didn't include him as best singer among us."

"Sinabi mo sa akin na mapangit ang boses ni Zander 'tapos hindi mo pa nariring. Ano raw iyon?" kontra ko sabay tingin kay Zander. He is always serious, as usual.

"Tanggol pa more!" pang-aasar pa niya.

"Jamie!" tawag ko kay Jamie. "Si Vhan oh! Inaaway ako!"

"Woy Vhan! Ano't inaaway mo si Ellaine?" tanong ni Jamie.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon