EllaineNAGISING ako ng maaga dahil sa naamoy kong masarap na pagkain. Dahilan niyon, nakaramdam tuloy ako ng pagkagutom.
Inisip ko kaagad na si Yayey ang nagluluto, kapag kasi abot dito ang amoy ng pagkain, ibig sabihin ay masarap. Baka nga talaga si Yayey dahil masarap 'yun magluto.
Napatingin ako sa gilid ko at
napangiti. Si Nightmare lang pala na tulog na tulog. Kaya naman hinaplos-haplos ko ang malambot niyang balahibo.Bigla ko tuloy naalala noong una ko siyang inampon.
Flashback.
Year 2015 . . .
Nagcommute na ako mula school hanggang sa village pagkatapos na pagkatapos ng klase namin. Sumakay ako sa tricycle kasi wala ng taxi na dumadaan, kaya sa tricycle na ako sumakay. Pinaangkas pa ako ng mamang driver kaya 'yung mga manyak na pasipol-sipol, sarap tadyakan.
Pagkababa ko sa gate ng village, bumili muna ako sa convenience store ng pagkaing kakainin ko mamaya. Pagkatapos ay nagmadali na akong maglakad dahil dumidilim na ang langit. Noong malapit na ako sa aming bahay, madilim na.
Noong nasa tapat na ako ng gate, may nakita akong nagliliwanag na mata, kakaibang liwanag ng mata.
Biglang sumagi sa isipan ko 'yung bali-balita rito na may engkanto raw silang nakikita sa tapat ng aming bahay. B-Baka, may engkantong nagtatago sa may damuhan!
Bakit ang aga namang lumabas ng mga engkanto?
Nakaramdam ako ng kilabot mula ulo hanggang paa, lahat ng balahibo ko nasitaasan.
Papasok na sana ako nang biglang . . .
"Meow!"
Lumingon ako at nasilayan ko ang isang pusa; a gray tabby cat! Mataba at sobrang cute.
"Meow! Meow!" iyak nito saka lumapit sa akin 'yung pusa. Mukha yatang gusto ako ng pusang ito.
"Hello pussy cat." Umupo ako sa harapan niya at tanging ilaw lang na nanggagaling sa lamp post namin ang nagmimistulang liwanag kaya nakikita ko ang pusa. "Wala bang nagmamay-ari sa 'yo?" Saka ko hinawakan ang baba niya na nagugustuhan naman niya. "Parang wala naman kaya aampunin na lang kita. Ano kayang maipangalan sa 'yo?" Napaisip ako at dapat unique. "Nightmare." Saka ko siya binuhat papasok sa loob.
End of Flashback.
Buti nga si Mama, tinanggap niya ang pusa ko. At saka payag siyang Nightmare ang pangalan. Pero si Kuya, nacr-creepyhan daw doon sa pangalan. Ang pangit daw, gusto niya nga'y maalinman sa apat na binigay niyang pangalan; bearbrand, milo, zimba o sipot.
Ang pangit naman ng sinuhestyon niya. Saka okay lang naman sa akin na Nightmare. Kaysa doon sa inimbento niya na gaya ng Handsome Four, yuck!
Nanumbalik ako sa reyalidad noong nagising na ang pusa ko. Nagpa-cute muna siya sa 'kin saka ako nilayasan.
Oh my boy, so cute.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...