Jamie
"ANO? Ang ibig sabihin niyon patay na ang tatay mo at ang nanay mo?" I asked him while he is drinking coffee.
Nakakagulat kasi na ganoon ang family nila. Hindi ko inakalang may ganoon siyang klaseng buhay. Akala ko, almost perfect na.
"Wala na rin akong tatay eh," sabi ko rin.
Nakakalungkot man ang kuwentuhan namin ngayon, pero dapat maging tapat ako sa kanya. Nag-share siya sa akin ng tungkol sa kanya, kaya dapat lang na mag-share rin ako, para patas.
"Alam mo bukod sa mga kaibigan ko, ikaw lang ang napagsabihan ko ng ganito," sabi niya pa. "I trust you."
"Ako rin nga eh, sumobra 'yung laki ng tiwala ko sa 'yo dahil sa nangyari kanina," sabi ko rito. "To be honest, akala ko nga babaero ka noong una."
Napatawa ito bigla. "Hindi kaya! Napakatino ko kayang tao!"
"Syempre naniniwala ako na matino kang tao kahit medyo kolokoy ka!" natatawa kong sabi. "Saka nakita ko naman na consistent ka lalo na kung sa studies mo, well, sino ba naman ang hindi mag-iigi kung gayong si Paps ang nag-guide sa 'yo!"
"Oo Jamie! Sobrang nakakatakot nga iyon kapag tinatamad akong mag-aral noon," sabi nito kaya naman napatawa ako. I can't imagine kung paano napapalo si Vhan dahil sa katigasan ng ulo niya.
"Pero Vhan, maitanong ko lang, anong feeling na wala ka ng tatay at ng nanay?" tanong ko.
I want to know how he feels kasi ako, may nanay pa ako pero siya, dalawang magulang ang nawala sa kanya.
"Syempre masakit sa una pero kapag natanggap mo na 'yon, unti-unti ng mawawala ang sakit," sabi nito sabay ngumiti. "I cherish all the memories with my daddy and mommy, sayang nga eh hindi ko sila nakasama pa ng matagal. Eh, ikaw anong feeling na wala ng tatay?"
"Aba, syempre masakit din," sabi ko rito. "Matagal nga akong nakapag-move on eh, pero kagaya ng sinabi mo kailangang tanggapin ang nangyari," dagdag ko pa. "What are their cause of death, Vhan?" tanong ko.
Ngayon lang ako naging interesado sa kanya dahil sa in-open niyang topic.
"Car accident," sagot nito at tuluyan na nga siyang napaluha sa harap ko. This is the first time na nakita kong umiyak si Vhan.
"I'm sorry, mukhang sobrang hirap ng napagdaanan mo. Okay lang na hindi mo ikuwe-"
"Okay lang itutuloy ko . . ." Pinunasan niya ng pa-simple ang kanyang luha.
"Naaksidente sila matagal na taon na ang nakakalipas, kasama nila 'yung family friend nila at ang may hawak ng manibela ay si mommy. Nabangga sila dahil sa truck na mabilis ang takbo. Kitang kita sa CCTV footage ang aksidente kaya habang paulit-ulit kong pinapanood 'yon noong bata pa ako, umiiyak ako.""Eh ano bang pangarap ng magulang mo sa 'yo?" I asked him again. "Kasi ako, my Dad wants me to follow my dream path, which is I want to be a journalist like my Mom and Dad," sabi ko. "I want to spread the truth among the people! That is the journalist's job. How about you?"
"Gusto kong maging cardiologist."
"Bakit?"
"Just like you, my Mom told me to follow my dream path, kaya gusto kong maging doctor. Gusto kong makatulong sa mga taong may kumplikasyon sa puso, lalo na roon sa mga taong talagang nangangailan ng suportang pam-medikal."

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...