Ellaine
KINABUKASAN, inis na inis akong nag-gayak nawawala na rin sa isipan ko ang nangyari kahapon. Halos busangot na busangot ang mukha ko at talagang hindi maipipinta ang saya sa aking mukha.
"Oh, bakit ka ganiyan? Parang manok na nanunuka," puna ni Kuya na may halong pang-aasar pa.
Sinamaan ko siya ng tingin, 'yung tipong matutunaw ito sa lisik ng aking mata, sabay ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Ate, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kian, sabay tumabi kay Kuya.
"Wala," tanging naisagot ko kay Kian.
"Don't tell me, you accidentally accepted Zander's friend request, right?" Tiningnan ko si Kuya sabay tinaasan ng kita. "Aha, gotcha."
"Ba't mo alam?" kaagad na tanong ko sa kaniya. Oo nga pala, may pagka-chismoso nga pala siya.
"Una, napainda ka dahil diyan sa sugat mo. Pangalawa, paulit-ulit mong sinasabi kagabi na na-accept mo si Zander, it means nagsisisi kang na-accept mo siya kaya inikukusidera ko 'yon na aksidente base lamang sa obserbasyon ko at pangatlo, dahil diyan sa facial expression mo," pagpapaliwanag niya.
Arrgh, chismoso talaga!
"You know the word privacy, Kuya?" tanong ko kay Kuya, dahilan para mapatingin ito sa akin na akala mo'y alam niya ang lahat.
"Yes! Privacy is the condition of being private!" pamimilosopong sagot nito.
Napa-face palm na lamang ako dahil napipikon na ako kay Kuya. "Hindi ko sinabing definition ng privacy, ang sabi ko-arrgh, ayaw ko na nga!"
Matatalo lang naman ako sa pakikipagsalitaan kay Kuya, kaya hindi na ako mag-aaksaya ng laway para makipag-asaran pa sa kaniya.
MASAYANG bumungad sa akin ang tatlo kong kaibigan, pagkarating pa lamang ng school.
"You look so happy ah? Sa bagay, you always happy naman," puna ni Alexia saka ako niyakap at kaagad din na kumawala.
Siyempre kaya ako nakangiti para hindi mag-mukhang matanda at saka para malimutan 'yung aksidente kong na-accept si Zander sa facebook.
"Happy baka mo? Nako, disaster ang umaga niyan!" Tumingin ako sa taong sumingit at si Kuya iyon. Sinamaan ko ito ng tingin sabay kinurot ang tagiliran. "Aray naman Bansot!" inda nito. "Sinusubukan mo ako Bansot ah," sabi nito sabay ngumisi.
Bigla akong kinabahan dahil doon.
Lumapit ito sa akin at pumunta sa likod. Pagkatapos noon, tinulak ako nito kaya napatama ang noo ko sa dibdib ng kung sinuman and I sniff.
A smell of mysterious, neat, and attractive scent.
Lumagok muna ako ng tatlong beses at saka tumunghay para makita ang kabuuan ng mukha ng lalaking nabangga ko.
"Oh hayan na ang naging dahilan ng pagka-bad trip mo!" Kuya shouted. "Enjoy!"
"Bakit?" tanong ni Jamie. "Bakit ka bad trip diyan?"
BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
![Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed](https://img.wattpad.com/cover/148333069-64-k70580.jpg)