抖阴社区

HATE ? THIRTEEN

368 102 4
                                    

Ellaine

"WHAT are you thinking about now?" Sa pagiilusyon ko, napitik ako ni Zander sa noo. Akala ko niyakap niya na ako, ayun pala ay ilusyon ko lamang iyon. Napa-pout tuloy ako.

"Ginoong Cortez, ano't ikaw pa'y nahuli sa inyong presentasyon. Oh siya sige, hahayaan ko na lamang muna ito sa ngayon. Madali at simulan n'yo na ang presentasiyon."

"Believe in yourself and believe in me," bulong niya sa akin.

"Paano nawala ang pasa-"

"None of your business, dummy," sabi nito kaya naman pumunta na siya sa gilid at gayon din ako kasi magsisimula na ang presentasiyon.

"Magandang hapon sa inyong lahat, nandito kami ni Ellaine para ipresenta sa inyo ang mitolohiya ng Roma at Gresya." Pinipigil kong matawa dahil sa bulol niyang pagsasalita. Magagalit siya kapag nakita niya akong ganito kaya iniayos ko ang aking sarili at pinagmasdan ang lahat.

Kinuha niya sa akin ang remote para sa panibagong slide.

Habang nagdidiscuss siya, ako nama'y nagbabasa para sa sasabihin ko mamaya. Nalimutan ko na kasi ang sasabihin ko nang dahil sa sobrang kaba, pero noong dumating siya, nawala na 'yung kaba ko.

Pagkatapos ni Zander mag-explain, ako naman ang magdidiscuss. Pinindot ni Zander ang remote at lumipat ito sa susunod na slide para bang isang demo.

"Ito po ang mga diyos at diyosa ng Roma at Gresya," inexplain ko ang lahat-lahat ng mga diyos at diyosa.

Pagkatapos naman niyon si Zander ulit. Kapag turn na ni Zander, ang lahat ay nakatuon ng pansin sa kaniya. Hindi lamang kasi siya umaasa sa mga part namin, in-elaborate niya pa ang sinabi niya dahilan para humanga ang karamihan sa kaniya. Kahit ako ay hindi mawala ang tingin ko sa kaniya. As usual, he's always serious in everything kahit sa presentation pa iyon.

Napadako bigla ang mata ko sa direksyon nina Doreen at Irene, masama ang tingin ng mga ito sa akin. Sa sobrang sama ng tingin nila, parang kulang na lang na kalbuhin nila ako o patayin.

Kung nakakamatay ang tingin nila, siguro dedo na ako.

Minsan talaga hindi mo maiiwasang may magalit sa 'yo at kabilang na roon sina Katherine. Iba na ang galit sa akin ng grupo nina Katherine, kaya nga palagi kong hinihiling na sana hindi magtagpo ang landas namin ng grupo niya. Ang gusto ko lang nama'y maging tahimik.

Kailan kaya mangyayari 'yon? Kung patay na ako?

"Maraming salamat po sa inyong pakikinig." Naghawak kamay kami at nag-bow.

Lahat ay nagsipalakpakan pati na rin si Ma'am Babalu. Ang iba pa ay nagsihiyawan at nagtayuan pa. Simpleng presentasyon lang 'to, pero siguro sadyang ganito gawa ni Zander. He look so perfect in every perspective. No wonder, he has an IQ of 200 which he can really impressed by many people. Kumbaga, matalino na nga, gwapo pa.

Kaso masungit.

Saka no hate muna ngayon kasi ginawa niya ang best niya para maka-attend, kaya I will forgot my hatred for him, today.

"Magaling! Magaling! Sa susunod na pag-uulat, kayong dalawa na ang aking ipapareha. Maganda at naging maayos ang presentasiyon."

Maya-maya'y natapos na ang klase, natapos na rin ang pag-aayos namin ng gamit. Natira na lang ako rito sa loob room dahil nasa labas si Zander. Sabi niya sa akin babalikan niya ako rito.

Nagulantang ako nang biglang may nagbukas ng pinto sabay lumapit sa akin at hinigit ang buhok ko.

"Aray! Aray! Aray! Bitawan mo ang buhok ko Katherine!" padaing na sigaw ko.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon