抖阴社区

HATE ? FORTY-SIX

223 66 0
                                    


Kaizer


"TSONG."

"Kaizer, how many times you want to call me like that."

"Huwag ka nga munang magsungit diyan!" I said. "Kumusta si Ellaine?" I asked while looking to our entrance door.

"She's fine."

"Nakahinga rin ako ng maluwag hayy!" Hindi kasi ako mapakali kapag ginagabi si Ellaine lalo na kung nariyan pa rin si Adamiyn. "Nagpadala na naman si Adamiyn ng sulat," sabi ko. "Masyado siyang cheap kung magpadala ng sulat, pero napakadelikado naman."

Pagkatapos kong sabihin iyon, binigay ko sa kaniya ang letter sa kanya.

Dear The Four and Equinox,

Hindi ako nagdadalawang isip
Pangalawang atake pawang isang masamang panaginip
Miyembro o kung sinuman ang mahalaga
Diyamante ang dapat ihanda.
TUDM-HRDO-ESIN-CEAD

Adamiyn

"Anong ibig sabihin niyan? Kailangan nating maghanda ng diyamante kasi kinakailangan niya ng pera? Mahirap nga talaga 'yang si Adamiyn."

Pinagmasdan niya ang letter at kung ano ang ibig sabihin ng pinadala ni Adamiyn.

"Caesar's Box," he said.

"Anong ibig sabihin ng Caesar's box?"

"This code was invented by Julius Caesar," he said. "To decrypt the message you should count of the letters. This message are consisting of sixteen letters, the square root of sixteen is four. We should put this four by four in a table. After we put them as a table we are now able to decrypt a message."

"Teka, ang lumabas ay the cursed diamond," sabi ko. "Tapos ang sabi sa tula diyamante ang dapat ihanda."

"Gotcha."

"Siya lang naman ang diamond sa gru-"

Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa at itinapat sa tainga.

"Tangina tsong anong nangyari!" I said. "E-Ethan! A-Ano si Vhan? Nasa hospital?"

NARITO na kami sa Alonzo Hospital kung saan nakaratay si Vhan. Tama si Zander, ang ibig sabihin ni Adamiyn sa sulat niya ay si Vhan, ang aming diyamante sa grupo.

Masyado akong naging kampante roon. Hindi ko aakalain 'yung gunggong na si Vhan ang titirahin. Lintek, hindi naman 'ata patas 'yon. Pinagtulungan ba naman siya ng mag-isa.

Magaling sa pakikipaglaban si Vhan, kung tutuusin kaya niyang mag-isa, pero hindi ko ma-imagine kung bakit ganito ang kinalabasan.

Iniisa-isa na kami, sino naman kaya ang kasunod?Sana wala na, huwag na sana.

"Dito." Turo ko kay Zander.

Heto namang si Zander parang hindi mababakas ang pag-aalala sa kanya, nakapamulsa pa nga.

Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Vhan nakahiga ito at bigla akong napatawa sa nakita ko. Hindi na ako naawa ngayon kundi natatawa na dahil kay Vhan na muntikan ng maging panda.

"A-bugbog A-Vhan!"

"Tarantado ka talaga Kaizer! Sa ganitong sitwasyon ko, nagawa mo pa akong pagtawanan! Tarantado ka talagang gorilla ka!"

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon