抖阴社区

HATE ? FORTY-EIGHT

235 65 0
                                    


Kaizer

"I FEEL stressed! This dilemma is your comrades' fault," sabi ni Taba. "Eice." Saka ito tumingin sa tatlo. "And also that Shawn! Kailangan pa talaga ng may kapalit para lang mapapayag siya! My goodness."

Flashback.

"Nakapag desisyon na ako," sabi niya. "I'm sorry Kaizer, hindi ko matatanggap na maging spy n'yo siguro sapat na 'yung natulungan ko na kayo." Sabi na eh, kaya ayaw kong mag-expect ng maganda eh.

"If you will be part of Exodus, I assure you gagawin ko ang lahat kahit anumang kapalit," sabi ni Taba.

"Are you Greek-Italian right?" he asked.

"Yes." sagot ni Taba.

"Gusto ko 'yung ancient mechanical pencil na nasa Greece. Hayun na lang kasi ang kulang sa mga koleksyon ko kaya kung maibibigay mo 'yon sa
akin, asahan mong magiging part ako ng gang n'yo, Kaizer and Alexia," Shawn said.

Napatingin ako kay Taba at seryosong seryoso nakatingin ito kay Shawn.

"Deal," she said.

End of Flashback.

"Grabe naman iyon! Baka niloloko lamang tayo ng ugok na iyon," sabi ni Vhan.

"Anong hinihinging kapalit, Alexia?" tanong ni Ethan.

"Gusto niya 'yung ancient mechanical pencil namin," sagot ni Taba habang seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.

"Anong kailangan niya roon?" tanong naman ni Vhan.

"Nangongolekta raw siya ng ganoon, lalo na kung sinaunang gamit," I said. "Pero dapat galing pa sa Greece."

"Hardest decision of yours, Gab," sabi ni Zander.

"Pwede mo ba akong tulungan Kuya Z? Paano ko makukuha 'yon sa Greece? Eh, baka malaman nina mitéra at patéras na narito ako sa Pilipinas, ayaw ko ng bumalik doon."

Ano bang mayroon? Hindi ko alam ang nangyayari at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw ni Riella bumalik sa Greece. Tumingin naman ako kay Zander at tanging tango lang ang naging sagot niya. Nagtataka na ako, anong mayroon?

"Ano bang mayroon? Bakit ayaw ni Taba na bumalik sa Greece?" tanong ko.

"None of your business," she said.

Sobrang seryoso niya kaya ang ibig sabihin niyon ay personal na problema iyon, pero bakit parang alam nina Ethan at Vhan 'yon? Ako lang ba talaga ang walang alam?

"I'm sorry for the trouble," paghingi ko ng pasensya.

"Hoy Kaizer! Masyado kang ganiyan! Hindi mo naman kasalanan eh! Kasalanan ito ni Adamiyn," sabi ni Vhan

"May nasabi ka rin na tama," pagsang ayon ni Ethan.

Napatingin naman ako kay Zander nang sandaling tumayo ito sa kaniyang kinauupuan.

"Saan 'yun pupunta?" tanong ni Vhan.

Ellaine

PANG sampung beses na akong bumuntong hininga ngayong araw na ito. Hindi ko pa rin maintindihan ang pinapahiwatig niya kagabi. Iniisip ko pa rin kung paano niya ako yakapin at kung paano siya katotoo sa mga sinasabi niya.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon