抖阴社区

HATE ? SIXTY-ONE

210 71 1
                                    


Ellaine

NAPAMULAT ang aking mata dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid.

"Shit 'yang Adamiyn na 'yan! Namumuro na sa akin 'yan! Pati ba naman kapatid ko dinadamay niya! Ano bang naging atraso natin sa kanya?"

Adamiyn? Siya kaya 'yung nasa code at nagpanggap na Valak kanina?

"Sino 'yung nagtext sa 'yo?" tanong ni Vhan.

"Anonymous number. Teka! Baka si Adamiyn 'yon, tatawagan ko . . ."

"Huwag mo ng tawagan dahil mag-aaksaya ka lang ng load," sabi ni Ethan. "Dahil hindi 'yon si Adamiyn."

"At sino naman? Huwag mong sabihing ikaw 'yon?"

"Syempre hindi."

"Ano 'to lokohan? Ethan, sumagot ka ng maayos! Kung hindi ikaw, sino?"

"Si Knight in Shining Armor," I uttered.

Siguro ito na ang panahon para sabihin sa kanila ang nalaman ko tungkol sa kanila.

"At huwag kayong tumanggi sa 'kin dahil alam kong kaya kayo magkaumpukan ngayon dito dahil kayong lahat ay . . . gangster. You are part of Equinox . . . The Four."

"P-Paano mo nalaman?" gulantang na tanong ni Kuya na para bang ikinabagsak niya ito. Alam kong ayaw niyang malaman namin ang tungkol dito.

"Hindi na mahalaga kung saan ko nalaman, pero Kuya hanggang kailan mo pa ililihim 'yon sa 'min?"

"Magpapaliwag ako," sabi ni Kuya.

"Huwag na Kuya, ayos lang sa 'min na nagtago ka ng sikreto dahil alam kong para sa kaligtasan din namin 'yon," sabi ko pa. "Alam kong may dahilan ka rin kung bakit ka naglihim sa amin."

"Tama ka Ate . . ." Biglang sumulpot mula sa pintuan ng aking kwarto si Kian. Wushu, buti na lang malinis dito. "Matagal ko ng alam ito, noong grade seven ka pa, Kuya." Saka lumapit si Kian sa akin at tumabi. "Naiintindihan namin 'yon."

"Sorry pala dahil pinag-alala ko kayong lahat. Hinanap ko kasi si Nightmare at hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari," sabi ko. "S-Sorry."

Lumapit naman si Kuya sa amin at saka kami niyakap. Nagiging clingy na naman itong gunggong na ito.

"Wahhh! Ang swerte ko sa inyo! May kapatid akong concern sa akin!" sabi ni Kuya sabay luha-luha epek pa.

"Dramatic actor ba si Kaizer?" tanong ni Vhan. "Bakit may paiyak-iyak pang nalalaman? Puwede ng isalang sa isang pelikula."

"He's a dramatic actor already, ang drama eh!" sabi ni Ethan.

"Hoy! Ang kakapal ng mukha ninyong sabihan akong ma-drama porque naiyak lang? Bakit? Hindi ba kayo nakaranas umiyak? Hindi ba kayo nakadaan ng pagiging sanggol? Ano kayo? Niluwal ng nanay ninyo ng hindi umiiyak?"

"Over acting ka dre, para inaasar lang ikaw eh! Aba ang puso baka tumalon. Sambutin mo Alexia kapag tumalon ah."

"Ano nama't nadamay rito si Riella? Sa pagkakatanda ko eh sa pagiging dramatic ko ang usapan?"

"E 'di inamin mo rin na dramatic ka!"

"Ang kapal talaga ng mukha mong unggoy ka! 'Kala mo eh hindi ka nakaranas ng pag-iyak eh! Hindi naman porque lalaki ay hindi iiyak aba! "

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon