抖阴社区

HATE ? EIGHTEEN

346 87 2
                                        


Ellaine

NAKARINIG ako ng kasa ng baril dahilan para mapatingin ako roon."Punch him again and I will shoot you right here, right now."

O-Oh my goodness, totoo ba 'to? Si Alexia ba talaga ang nantututok ng baril kay MJ?

Bigla akong kinabahan sa aking nasasaksihan. Totoo ang mga 'to at hindi pawang kasinungalingan o imahinasyon.

Nagmadali akong lumapit sa kanila at dumako ang mata ko sa isang lalaking may dugo sa labi. Damn, ayaw ko sa dugo. Pero imbes na matakot ako sa dugo, naawa ako sa kalagayan niya ngayon.

Tumingin ako kay MJ na siyang gigil na gigil pa kahit nakatutok ang baril ni Alexia sa sintido nito.

T-Teka si MJ ba ang may kagagawan nito?

Kung siya man ang may kagagawan ng kaguluhan na 'to, lalo ko siyang hindi pagkakatiwalaan at lalong higit na hindi ako maniniwala sa kaniya.

"Don't you worry, man. Hindi ko naman 'to itutuloy. It's just an attempt. Huwag ka rin mag alala, hindi ako gumagamit ng mga bagay na peke. Kaya kapag tinuloy ko 'to sabog ang utak mo," sabi ni Alexia at ibinaba niya ang baril na hawak niya.

Napatingin ako kay MJ. "Don't tell me ikaw ang nagsimula nito kasi hindi naman magiging ganito si Alexia kung wala kang ginawa kay Zander," sabi ko at hindi siya nakaimik. "Sabi na eh. Siguro lasing ka lang kaya ka nagkakaganiyan," sabi ko saka tumingin ako kay Zander habang si Zander naman ay nakatingin din sa akin na akala mo'y walang nangyari. Sabay tumingin ako kina Kuya. "Kuya, kayo na nga po ang bahala riyan kay MJ," sabi ko tapos tumingin naman ulit kay Zander. Inilahad ko naman ang kamay ko at tinulungan siyang tumayo. "Ako na ang bahala sa kaniya."

Paalis na sana kaming dalawa ni Zander kaso may sinabi si MJ. "I'm sorry."

Nilingon ko naman siya. "Apology accepted, but please prove to me that you change."

Pagkatapos noon, nagpatuloy na lang kaming maglakad ng kasama ko papasok sa loob. Nagtungo kaming dalawa sa may guest room kasi ayaw ko siyang papasukin sa kwarto ko dahil nakakahiya. Lalaki siya at babae ako, baka bigyan pa ng malisya ng mga taong nandito iyon. Saka isa pa makalat ang kwarto ko, baka may nakakalat na undies ko.

"Kukuhanin ko lang ang ice bag. Diyan ka lang, huh. And behave."

Nagmadali akong kumuha ng yelo at inilagay ang yelo sa ice bag. Pagkatapos noon, bumalik muli ako sa guest room. Noong pagkabalik ko, behave lang siya at kalmado lamang siyang nakaupo sa kama habang sinusubaybayan ang bawat pagkilos ko.

"Ouch," daing nito habang dumadampi ang yelo sa kaniyang natamong sugat. Siyempre medyo umiiwas ako na makita ko ang dugo.

"'Yan! Kasalanan mo 'yan! Nagpasuntok ka pa! Ano ang napala mo? Sugat."

"You worried?"

Napaikot ang mata ko. "Of course, I am!" Narinig ko pa ang paghagikhik nito. Hindi ko na lang pinansin. "Dapat sumapak ka man lang ng isa lang para makaganti ka! 'Yan tuloy!"

"It's a waste of time to retaliate against him."

"Nagmukha ka tuloy talunan," I murmured.

"Ayaw ko kasing makita niya akong nakikipag away. Magmumukha muli akong masama sa paningin niya."

Nabigla ako sa mga sinabi niyang 'yon, dahil iniisip niya pa rin pala ang maaring mangyari kapag nakita ito ni Katherine.

Pero wala naman si Katherine.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon