Ellaine
"EH?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Excited na ako!"
Napansin kong sumulyap sa akin kaya naman napatingin ako at nginitian ko na lang siya sabay tumingin muli ito sa daan. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
Sa UN Village pala matatagpuan ang mansyon nila kaya ang ibig sabihin lang niyon, parehas lang pala kami ng village.
Sky House.
Makikita mo sa gate pa lang na ang garbo na lalo na kaya kung sa loob. Mapaghahalataan na talagang mayaman sila at talagang pang-sky talaga ang mansyon nila. Kaagad na pinagbuksan ng guard ang gate pagkarinig pa lamang ng busina nito.
"Good evening Young Master," bati noong guard sa kanya pero ni-pagtango, wala. Suplado.
Pinarada niya ang kotse niya sa garahe nilang ubod ng laki na halos lahat na yata ng klase ng kotse ay narito. Wow. Pero suplado pa rin si Zander kahit rich kid.
Bumaba na ako kaagad sa sinasakyan namin at nilibot ang aking tingin sa paligid. Goodness, isa na ata itong kaharian.
"Zander, dalian mo nagugutom na ako," sabi ko nang bigla na namang kumulo ang tiyan ko.
Napabusangot ang mukha ko noong narinig ko siyang tumawa kaya noong lumapit siya sa akin, sinipa ko ang kanyang binti sabay nag-kung fu pose.
Kaasar, parang gusto niyang matikman ang talento ko sa kung fu ah.
"How many times you really want to hit me like that huh, nasasaktan na ako," sabi niya noong sumakay na siya sa golf car. Base rito, sigurado akong malayo pa ang mansyon nila at bungad pa lang 'to. Pinaandar niya na ang golf car. Sa sobrang laki ba naman kanilang kaharian aba, sino ba naman ang magtiyatiyaga na maglakad?
Bigla ko tuloy naalala na pagmamay ari rin nila ang UN village. Gosh, sobrang yaman nila kung tutuusin. Hindi na kataka-taka na baka halos kalupaan dito sa San Pablo eh pagmamay-ari rin nila. Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa mismong tapat ng malaki nilang entrance door. Kinakabahan tuloy ako no'ng napagtanto kong makikita ko na ang pamilya niya at kung sinu-sino sila.
Napatigil ako sa paglalakad no'ng tumigil siya at tumingin sa akin habang nakapamulsa.
"Problema mo?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako ng napaka-intimidating niyang mata at nagpatuloy sa paglalakad.
Napabusangot ang mukha ko sa inaasal niya, akala mo kung napapaano.
Pinagmasdan ko ang pagbukas ng napakalaking pinto. Bumungad sa amin ang nakahilerang maid na animo'y nagpupugay sa kanilang mahal na prinsipe.
"Good evening Young Master Zander," bati ng matandang naka-formal attire.
"Francis," tawag ni Zander doon kay manong sabay tumingin si Zander kay Francis.
"Yes Young Master?" sabi ni Mang Francis.
"Move."
Sa isang salita na 'yon, nagsikilos na ang lahat. Ako naman eh dinala ni Manong Francis sa malaking guest room. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala kasama si Zander.
Siguro'y may pinuntahan lang siya. Kaya naman umupo ako sa malaki nilang couch at nilibot ang aking tingin ang kwartong ito, sobrang laki talaga.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...