抖阴社区

HATE ? FIFTY-SIX

254 65 0
                                    

Ellaine

PAGKATAPOS naming maghugas ng pinggan, nagtungo na kami sa aming mga silid para magpahinga. Pero nagtungo ako sa banyo para naman labahan ang aking sinukahang damit ni Zander.

Habang naglalaba, napaisip ako sa sinabi ni Jamie kanina.

Flashback.

"Well, I don't know," sagot nito. "But I guess you are the one who will answer that question." Pinukulan ako nito ng makahulugang tingin. "Hindi ko alam ang takbo ng utak niya. Sa tingin ko, ikaw lang ang tanging makakasagot niyon."

"Why me?" I asked her back.

"Kasi kayo palagi ang magkasama," sagot nito. "And right now, I figured out something."

Tiningnan ko ito ng masama at hinampas sa butt. "You know me very well."

"Don't worry, hanggang sa atin lang ang usapan na ito," sabi nito sabay ngumiti. "If you are ready, just tell to Alexia and Sharm. Siyempre sa kaniya rin."

End of Flashback.

Siguro hindi pa muna ngayon, kasi nahihirapan pa rin ako sa mga possibilities. I hate those possibilities na nagsi-sink in sa isipan ko, gaya ng baka masaktan na naman ako.

I am tired of this.

Pero pagkatapos ng lahat na nangyari, heto pa rin ako, nagkakagusto ulit sa kaniya, bumabalik na naman ang nararamdaman ko para sa kanya. But the fact na nakita ko 'yung nangyari noong gabi na iyon, nagsisimula na namang bumalik ang lahat-lahat ng mga salitang hindi ko napanindigan.


"GOOD morning sa inyo." Masayang bati ko sa kanila nang ako ay makapunta na sa may main hall. Nagkakape na ang mga ito at nagku-kwentuhan.

"Masarap yata ang gising ni Ate ah!" puna sa akin ni Kian habang naglalaro siya sa phone niya kaya naman napakunot ako ng noo. Hindi dahil sa naging puna nito ito sa akin kundi dahil ito sa pagce-cellphone siya ng maaga. Dapat kasi habang narito kami kay Lola hindi siya naglalaro o nagkukukutingting sa phone. Inaalagaan niya naman sina Nightmare, pero hindi pa rin siya lumalabas simula nang kami ay makarating dito.

"Kian, huwag ka munang maglaro sa phone! Masama 'yan sa balat lalo na sa radiation na nagmumula riyan!" pagsesermon ko. "Tapos mamaya lumabo pa ang mata mo."

"Fine Ate," sabi nya sabay baba ng kanyang cellphone. "Mag-coffee ka na rin po Ate," sabi niya kaya naman tumango ako bilang sagot at pumuntang kusina para mag-timpla.

Naabutan ko naman si Kuya na nagawa ng coffee, 'yung as in manu-manong paggagawa. Oo nga pala, may talent siya sa paggawa ng coffee.

"Kuya, pahingi rin ako."

"Sige."

Napakunot ang noo ko kasi kataka-takang pumayag itong gunggong na ito.

"Sa tingin mong iyan, sinasabihan mo na ako sa isipan mo na gunggong o kaya gwapo," seryosong sabi ni Kuya habang naggagawa ng kape.

"Sa gunggong Kuya," paasar kong sabi, pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa paggagawa ng kape. Umupo na lang ako sa may stool at inobserbahan kung paano siya gumagawa ng kape.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon