Ellaine
UMIYAK talaga ako nang umiyak dahil sobrang sakit ng paa ko. Tinakot pa ako ni Kuya na tatanggalan ako ng paa kasi malala na raw ito kaya lalo akong umiyak. Hindi ko ine-expect na magkakaganito ako. First time kong ma-injury pero kung mas lalo kong ininda ang injury ko kanina, matatalo kami.
Grabe naman kasi talaga 'yung Empire eh, sa akin lagi pinapatama ang bola.
Nasaan kaya ang Kuya ko at saka si Kian? Sabi nila madali lang daw sila at pupunta lang silang school para kuhanin ang gamit ko tapos ang tagal nila.
"Pwedeng pahiram ng phone?" tanong ko kay Zander.
Kinuha niya ang phone niya saka niya ibinigay sa akin. Tinawagan ko si Kuya at kaagad niya itong sinagot.
"Tsong, nagpadala na naman. Crack mo 'yung codes may nakalagay, kaso hindi namin macrack at saka may thr—"
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kuya. "Crack?"
"Sino 'to? Napulot mo ba ang cellphone ni Zander?"
Kumunot ang noo. "Si Ellaine 'to Kuya, ano ba iyon? Anong threat at crack ka riyan?"
"A-Ahh, kasi sina Vhan nagpapatanong kung ano 'yung code tungkol doon sa binabasa nilang novel. Bakit nga pala nasa iyo ang cellphone ni Zander?"
"Hiniram ko para tawagan ka. By the way Kuya, anong oras ka babalik?" tanong ko.
"Mag-hintay ka lang diyan at may sorpresa kami sa 'yo."
"Sino? Si Lola? Dalian n'yo na! Pumunta na kayo rito."
"Bawal sabihin! This time mag-hintay ka riyan at ibigay mo itong cellphone kay tsong dalian mo!"
"Zander, heto oh! Si Kuya gusto kang makausap." Saka ko inabot ang phone niya sa kanya.
Lumabas muna siya sa kwarto ko kaya naman umayos ako ng higa, pero hindi ko talaga maikilos ng maayos ang kaliwa kong paa kaya naman hindi maayos ang higa rito. Sabi kasi ng doktor, na-sprained ang ankle ko. Worth it ang pinaglalaban namin kanina kaso napuruhan ako.
Bigla ko na naman naalala 'yung sinabi ni Kuya about sa codes. Medyo weird kasi nauutal si Kuya at feeling ko may sinisikreto siya sq akin. Hindi niya naman ugaling magtago ng sikreto, pero simula noong nag-high school siya, kakaiba na minsan ang kinikilos niya.
Sa kakaisip ko, bigla akong nakaramdam ng pagkaantok, dahil na rin siguro sa pagod.
UNTI-UNTI kong inimulat ang aking dalawang mata nang makaramdam ako ng presensya. Bahagya akong nagulat dahil nasa tabi ko na si Zander.
"Aray!" inda ko, but he didn't care.
"Here," he said sabay ipinakita ang hawak niyang paper bag. "See it by yourself."
Umayos ako ng upo para tingnan ang laman ng paper bag. Bubuksan ko na sana ang paper bag nang bigla niya namang binigay sa akin ang phone ko.
Sinamaan ko siya kaagad ng tingin at kinabahan. "Bakit nasa iyo ito?"
"Kian said you can't live without your phone."
"Feeling ko aatakihin na ako sa puso! Baka binuksan mo ito?"
He didn't answer at binalewala lamang ang sinabi ko. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at kaagad na binuksan ang phone ko. Baka kasi na-open niya ito at kung ano-ano ang nakita.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...