抖阴社区

HATE ? SIX

569 126 5
                                    

Ellaine

PAULIT-ULIT sa aking pandinig ang salitang secret admirer. Paano naman kasi hindi ko naman inaasahan na mayroon akong ganitong klaseng admirer saka first time ko lang makatanggap ng ganoon.

Na-flutter ako, pero ang weird kasi paano niya nalagay 'yon sa loob? Bukas ba 'yon nang iniwan ko noong Tuesday? Mayroon ba siyang duplicate ng susi ng locker ko? O baka magaling siya sa lock picking?

Bakit ko ba 'yon iniisip? Eh, mukha namang walang gagawing masama sa akin 'yon.

Hindi ko rin naman masasabi, malay ko ba na baka isang psychopath ang nagbigay niyon.

Ang weird lang kasi.

Flashback.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Alexia. Totoo ba 'to? O baka trip lang nila ako.

"Akin na nga." Kinuha ko 'yung letter at tiningnan iyon.

Nanlaki ang mata ko dahil totoo nga 'yung sinabi ni Alexia.

"Hey!" Jamie snapped. "Basahin mo na!" sabi niya pa at halatang kinikilig pa ito.

"Wait lang!" sabi ko saka binuklat ang letter.

Dear My Princess,

If you notice this stuff, don't worry, there's no poison. Who's me? Just wait.

Secret Admirer

"Natamaan ka lang ng bola nagka-admirer ka na, abay iba!" puna ni Jamie na siyang ikinairap ko. "You know Ellaine, it's so amazing."

At paano naman 'yon naging amazing eh ang weird kaya. "Eh?" tanong ko.

"Ganito kasi 'yon, una mukhang mabait, pangalawa nagdala pa ng paborito mo!" Jamie said.

"Masiyado ka namang nagpapadala sa mga salita at paganiyan-ganiyan, Jamie. Malay mo, masama palang tao ito tapos ipagkakatiwala mo ako riyan, hibang ka ba?"

"Ipagkakatiwala talaga kita kung si Za-"

Tinakpan ko ang bibig ni Jamie. Tiniis ko na kahit malawayan ang kamay ko para lang maikubli ang sinasabi ng bruhang ito.

Pagdako ng tingin sa amin ni Alexia ay saktong pag-alis ng kamay ko sa bibig niya. Palihim kong pinunas sa kaniyang uniporme ang kamay kong may laway niya.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon