抖阴社区

HATE ? FORTY-THREE

257 71 1
                                    

Kaizer


NAGTATAKBO na ako papuntang tambayan. Naiwan ko na 'yung dalawa kong kapatid sa pagmamadali dahil sa isang balita, magandang balita! Kaagad kong binuksan ang pintuan napatigil sila sa kani-kanilang ginagawa. Si Ethan at Vhan lang ang nasa kwartong 'to at wala si Zander.

"Anong nang nangyari? Nanalo ba si K.O?" bungad na tanong ni Vhan. "Lintek pinatayan mo kami kagabi eh! Sabi mo sasabihin mo kaagad!"

Nag-nod ako bilang sagot. "Yes!" sigaw ng dalawa.

"Tara na sa Dean's Office!" aya ni Ethan.

"Alam na ba ni Zander?" tanong ko.

"Alam mo naman 'yon, advance palagi. Kaya tara na at gusto ko ng makita ang pagmumukha ng hacker," sabi ni Vhan.

Pagkatapos niyon, nagpunta na kami sa dean's office at syempre naroon na rin sina Ellaine, Jamie, Taba at Sharmaine. Pinapunta rin namin sina Katherine para matapos na ang lahat ng problema.

Lumibot ang aking paningin at hinanap si Zander, ngunit wala siya rito.

"Wala si Zander?" tanong ni Vhan. "Nasaan iyon?"

"May aasikasuhin lang daw siya," sabi ni Ethan.

Ano naman kaya iyon? Iimik pa sana ako, ngunit kaagad kaming napadako sa direksyon ng pinto nang ito ay nag-bukas.

"Narito na si . . ." sabi ni Vhan.

"Nakahanda na ang flying phone ko!" bulong ni Jamie.

Noong pagbukas na pagbukas ng pintuan ng dean's office, may pumasok na lalaking medyo matangkad at nakasalamin. Teka nga! Parang kilala ko kung sino ito!

"Shawn?" tanong ni Jamie.

Siya si Shawn Ramirez, ang nakalaban ko sa pagka-presidente. Lumapit si Jamie kay Shawn at hindi makapaniwalang tumingin dito. "Ikaw ba ang may gawa niyon?" tanong ni Jamie.

"Let me . . ." Biglang sinampal ni Jamie si Shawn kaya naman nagulat ako. Si Vhan naman hayun, pakiramdam ko'y iniisip nito na serves you Shawn, something like that.

"Pinagkatiwalaan kita, pero bakit ganoon ang ginawa mo sa akin?! Ang kapal din ng pagmumukha mo Shawn! Ano bang nagawa ko sa 'yo?!" si Jamie.

"Wait Jamie, okay lang na sinampal mo ako, okay lang! Pero may rason ako kung bakit ko nagawa 'yon!" kontra ni Shawn.

"Hindi! Hindi sapat ang sorry lang! Nadamay si Ellaine nang dahil sa 'yo!"

"Let him explain first, Miss Jackson!" sabi ni Dean saka tumingin kay Shawn. "Go Ijo!"

"Inaamin kong hinack ko ang account mo Jamie," pag-amin ni Shawn kay Jamie kaya naman lalo itong nagalit para bang sasabog na sa galit si Jamie dahil sa nalaman niya.

"Kaya pala! Kaya pala hindi ko mabuksan ang accou⁠—"

"Miss Jackson! Let him to explain first, please."

Hinigit ni Ellaine si Jamie paupo at sinusubukang pakalmahin ni Sharmaine.

"Oo, nagawa ko 'yon dahil nakita ko 'yung article na 'yon na account mo mismo ang nag-post. Malalaman ko talaga kung sino ang nag-post kasi member ako ng club natin. At alam kong hindi mo 'yon gagawin kaya nagtaka na ako. Na-hack ang account mo kaya binuksan ko ang account mo without your permission, pinalitan ko ang password mo para hindi na mabuksan ulit ng naunang nang-hack sa 'yo."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon