Ellaine
"I'M sorry."
Pagkatapos niyon, inalis niya ang dalawa niyang bisig at tumalikod siya sa akin at umalis. Ako nama'y naiwan na nakatayo at tulala. I don't know what to feel and what to say. His sudden actions makes me scared and I really hate him for being like this.
"Wala ka talagang puso."
Ayun lang ang nasabi ko, hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko maintindihan, sorry for what? Or just he's saying sorry about what he did to me.
Naglakad na lamang ako papunta sa aming café, kasi alam kong iniintay na rin ako ni Andy.
Habang nalalakad ako, iniisip ko pa rin ang dahilan niya sa mga ginawa niya. His actions speaks, and his words are shut. I know that there is a reason behind his actions, but I didn't know how to figure it out.
He's damn cold, at all.
Nung nasa café na ako, dumiretso na ako kaagad sa may table ni Andy at tama ako narito pa rin siya.
Napatingin siya sa kamay ko na hanggang ngayon ay namumula pa rin. "Anong nangyari riyan?"
Mabilis kong itinago ang kamay ko at ngumiti ng malawak. "Ah eh, wala lang 'to 'no!"
"Mauna na ako ah, may pupuntahan pa ako eh. Inintay lang kita para magpaalam."
"Sige, bye! Ingat!" sabi ko sabay tumango na lang siya tapos umalis na sa coffee shop.
"ACCK!" naiusal ko.
Napahilamos pa ako ng mukha at saka ko lamang na-realize na nasa loob pa ako ng classroom. Napapihit ang tingin nila sa aking direksyon, ganoon din ang aming teacher.
"May masakit ba sa 'yo Miss Salvador? I will guide you to the clinic if you need help," offered by Ma'am Soriano-our Earth and Life Science teacher.
"Ahhh, wala po. Pasensiya na po kung naudlot ko po ang pagdidiscuss n'yo."
"It's okay, no worries. Just tell me if you're not okay Ija," she said.
Umayos ako ng upo para hindi na ako magmukhang masama ang pakiramdam at saka naman nagsimula na muli siyang mag-discuss.
Hindi talaga ako maka-get over sa ginawa niyang iyon. Para kasing kapag naalala ko iyon, kumakalabog ang dibdib ko at hindi ko mawari ang dahilan. Kinamumuhian ko siya sa lahat, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
I felt guilt.
Wala siya ngayon sa klase at pakiramdam ko, kasalanan ko kaya siya wala.
Matapos ang klase namin ngayong hapon. Dumiretso muna ako sa locker nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko kaagad 'yon, baka kasi importante.
Oo nga! Napaka-importante.
Notifications:
2 messages unreadJamie: Ellaine, 'di ako makakasabay. Jusme! Marami akong aasikasuhin na papers. Kaya mag-iingat ka sa pag-uwi, bye! Mwamps!

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...