抖阴社区

HATE ? FIVE

653 147 8
                                    

Ellaine

TEKA nga, tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin lang niyon? Makakasama ko rin 'tong si Zander.

Napangiwi ako sa iniisip ko.

Kamalasan . . .

"Kailangan pang ulitin?" tanong ni Kuya.

"Miss me, honey or love? What's better?"

Tumingin ako kay Zander at pinukulan ko ito ng pagtataray na tingin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kikilig ba ako o maiinis-oo Ellaine, maiinis ka dapat.

"Kilig naman si Bansot, ayiee!" pang-asar naman ni Kuya sa akin, kaya naman sa direksiyon ni Kuya ako napatingin sabay sinamaan ng tingin.

"Bilog na ang utot ni Ellaine!" pang-aasar din ni Ethan, kaya naman napatingin ako dito at sinamaan ko rin ng tingin.

"Hoy! Nanahimik ako dito ta's guguluhin ninyo 'ko. Puwede bang mag-movie marathon na lang kayo, kaysa sa ginugulo ako?"

"Easy, Ellaine! Heto na nga oh!" sabi ni Vhan habang natatawa.

Umalis na nga sila sa kinaroroonan ko at pumuntang salas, kasi magmo-movie marathon daw sila.

Tumayo naman ako at pumuntang kusina, dahil nakaramdam na ako ng gutom. Pfft, baka makain ko pa sila ng buhay eh. Charot.

"Yayey! May pagkain na po ba?" tanong ko.

"Nako! Hindi pa luto eh. Nako! Nagugutom na ang alaga ko-ah! Heto na lang." Kinuha niya 'yung nasa sulyaw. "Gusto mo ba ng tortang talong?"

Bigla tuloy ako nakaramdam ng kagalakan dahil sa sinabi ni Yayey.
"Talaga po ba? Mayroong tortang talong diyan? Sige po, paborito ko po 'yan eh. Thank you talaga Yayey!"

Kaagad na inihanda ni Yayey ang pagkain na para sa akin at ako nama'y parang bata na naglilikot sa upuan habang nag-aantay ng makakain.

"Oh, hayan Ellaine! Kain ka ng mabuti ah!"

Kinain ko kaagad ang pagkain ko, dahil sobrang miss na miss ko na ang luto ni Yayey. Hindi kasi ako pinagluluto ng aswang kong Kuya kasi ang sagwa raw ng tortang talong at ang creepy, tapos noong sinubukan ko naman magluto-nakakadismaya, dahil mapangit 'yung lasa hindi katulad nitong kay Yayey.

"Yuck, Ellaine! Talagang kumakain ka niyan?" Napatingin ako sa pumuna at si Kuya lang pala.

Inubos ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako magsalita.

"Oo naman, 'di mo kasi tinitikman eh, kaya ganiyan ka mag-react." Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain hanggang sa may narinig muli akong mga yabag papunta rito sa kusina.

"Ano 'yan?" tanong ni Vhan at hinawakan 'yung tangkay ng talong na sa wari'y nandidiri pa.

"Ano ba? Talagang kayo oh! Kung nandidiri kayo riyan, huwag ninyong kainin, jusme!"

"Sarap na sarap palibhasa mahilig sa mahaba," sabi ni Kuya.

"Pake mo kung gusto ko sa mahaba, tulad ng talong!" pagkontra ko. "Sarap-sarap ng talong."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon