KaizerSIXTEEN hours and thirty minutes narito na kami sa Attica, Greece. Medyo naninibago ako kasi syempre nasa ibang bansa ako saka ngayon lang ako nakapunta rito. Pagkacheck ko ng oras, tiningnan ko ang agwat ng oras sa Pilipinas, six hours ang agwat.
"Ano pang ginagawa natin dito?" tanong ko habang parang may iniintay kami rito sa taxi area.
"May service tayo."
"Paano tayo magkaka-service eh ayaw mo ngang ipaalam sa magulang po na narito tayo," kontra ko pa.
"Syempre may dalawang tao na nakakaalam na narito ako. Sila 'yung mapagkakatiwalaan ko at sila rin 'yung way para makapasok tayo sa bahay namin."
"Oo na! Oo na! Nasaan na ba kasi sila?"
"Here!" Sabay kaway niya.
May pumarada sa harap namin na isang magarang kotse. Pagkatapos niyon may biglang lumabas na lalaki at 'yung babaeng kaseng edad ni Yayey.
"Princess Gabriella." Sabay luhod ng dalawa.
Ano raw? Princess?
"How many times I told you guys, don't call me princess. Call me, by my name," sabi niya.
Sumunod na lang ako sa kanya papasok sa loob ng sasakyan namin.
"Princess Gab—"
"I said, Gabriella only. Don't call me princess."
"Pero princess . . ."
Aba! marunong magtagalog.
"Yaya Dahlia, pwede naman pong ija na lang or call me by my name."
"Princess Gabriella, pinaghahanap po kayo ng mga kawal sa palasyo."
Anong-okay, hindi muna ako mag-iisip ng kung anu-ano ngayon. Hindi muna magsisink in sa utak ko na isa siyang prinsensa.
Sumulyap ako sa may bintana ng kotseng sinasakyan namin at nakita ko ang kagandahan ng paligid. Parang ang baba lang ng langit dito sa Greece. Naalala ko 'yung sabi ni Ellaine na gusto niya rin daw pumuntang Greece dahil dito raw matatagpuan ang mga sinaunang arkitektura. Ang ganda.
"We're here," sabi niya sabay tigil ng sinasakyan namin.
Sumulyap ako sa labas at halos lumuwa ang mata ko sa laki ng kanilang palasyo. 'Tapos napakalawak ng kanilang lupain at napakaganda.
"You amaze?"
"Yes," I answered.
"But—"
Napatingin ako sa kanya. Bakit kinabahan ako sa tingin nyang 'yan?
"Pero hindi tayo magpapakasaya sa loob. Gagawa tayo ng paraan para makuha ko ang mechanical pencil ko sa loob ng kwarto ko."
"Ano namang paraan?" paangal kong tanong.
Ang akala ko, magpapakasaya ako sa loob. Ahh oo nga pala, ayaw niyang ipaalam na narito siya sa kanilang palasyo.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...