Sharmaine
PAGKAGISING ko sa umaga, kaagad akong dumiretso sa banyo para maghilamos kaagad at pagkatapos niyon, lumabas ako sabay nagtungo sa kwarto ni Ellaine. Hinintay namin ang isa't-isa na pumunta sa kusina.
"Aalis ka pa ba Ijo?" tanong ni Lola Ersa kay Zander.
Napatingin naman ako kay Ellaine na ngayon ay malungkot ang ekspresyon ng mukha. Nalulungkot kaya siya gawa ni Zander?
"Ang sarap ng empanada, oh kainin mo," sabi ni Ellaine sabay subo niya sa akin ng empanada.
Oo nga masarap.
Pagkatapos naming mag-almusal, tinahak naman namin ang daan patungo sa kanilang farm. Sabi ni Ellaine sa akin, mataas daw ang suweldo ng magsasaka rito sa kanilang farm dahil sinabi ng Lola niya na hindi magkakaroon ng mga produkto kung wala ang mga magsasaka. Hangang-hanga si Lola Ersa sa mga ito dahil sobrang sisipag nila sa kabila ng kanilang pinaghihirapan. I even realize that starting today, I shouldn't waste the foods because our dear farmers, fishers and etcetera are the one who dedicated their hearts to make these products. Kaya pala kapansin-pansin kay Ellaine na lagi niyang inuubos ang pagkain niya, dahil nga sa sabi ni Lola Ersa.
Pagkarating namin sa kanilang farm, talaga nga na malawak ito. Naalala ko 'yung naging news dati tungkol sa Hacienda Ang, nakilala kasi ang pamilya ni Ellaine sa taniman ng kape, cocoa at prutas.
Sobra akong namamangha ako ngayon.
"Heto oh!" Sabay pinakita sa amin ni Ellaine ang isang butil ng kape.
"Ang galing!" manghang sabi ni Vhan sa butil ng kape saka kinuha niya ito at kaagad kinain. Napatawa kaming mga babae dahil sa naging reaction niya.
Kinain kasi niya kaya natural lamang na ganoon ang maging reaksyon niya.
"Ang pait!" reklamo niya.
"Ayan kasi! Ang t*nga-t*nga talaga! Sa sobrang kasibaan, pati butil ng kape, kinain," sermon ni Jamie kay Vhan.
Tawa lang kami ng tawa ni Ellaine at mas lalong lamang ang pagtawa ni Jamie.
"Anong tinatawa-tawa n'yo riyan? Tubig! Pahinging tubig!"
"Heto oh!" Sabay hagis ni Ethan ng isang bote ng tubig na kaagad namang nilaklak ni Vhan.
"Isa pa ba?" tanong ni Ellaine habang tawa ng tawa.
"Gusto mo subuan pa kita?" dagdag pa ni Ethan at sabay nag-high five sila ni Ellaine. If Ellaine knows that he is a player, she might get offended.
"Pinagtutulungan ako Jamie oh!"
"Tumigil nga kayong dalawa riyan! Ako lang ang may karapatang mang-asar kay Vhan!" sabi ni Jamie.
"Bakit? Kayo ba?" sabay na tanong nina Ethan at Ellaine.
"Hindi 'no!" tanggi naman ni Jamie. "Hoy Ellaine, kung i-tour mo na lang kami, hindi 'yang dakdak ka riyan ng dakdak!" pag-iiba ni Jamie sa usapan.
"May magto-tour sa inyo sina Mang Tomas at Mang Jerry at puwedeng puwede kayong mamitas ng prutas basta't huwag 'yung sisirain ang pananim, lalo ka na Jamie."
"Wow lang huh! Parang ako lang talaga ang burara rito," pagdidiin ni Jamie kay Ellaine.
"Heh!" kontra ni Ellaine.
Pagkatapos niyon, naglakad na kami at sinundan lang siya. Doon kami nagpunta sa mismong farm nila napakadaming taniman ng prutas dito kagaya ng mangga pero mas lamang lang talaga ang lupa para sa kape at cocoa.
"Sige hanggang dito muna ako, may mahalaga pa kasi akong gagawin. At huwag kayong mag-alala, may magga-guide naman sa inyo, kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magpatulong kina Mang Tomas at Mang Jerry. Sobrang bait ng mga 'yon," sabi ni Ellaine. "Enjoy lang kayo!" sabi pa nito sabay umalis na.
"Nasaan na si Zander?" tanong ni Vhan.
"Ewan," sagot ni Jamie. "Hoy Vhan! Tara roon! Mamimitas tayo ng prutas."
"Sige," pag-sang ayon naman ni Vhan.
"Wohoy Sharm at Ethan, doon muna kami ni Vhan ah!" sigaw ni Jamie palayo sa amin.
Ngayon ko lang napagtanto na kami na lang dalawa ni Ethan ang natira rito. Napakatahimik at talagang nakakabingi ang katahimikan sa lugar na ito at ni walang nagsasalita sa amin.
I feel awkward.
"How's life?" tanong niya but I ignored him. "Do you still not forgive me?"
"What will you expect Ethan?"
"Mag-usap tayo tungkol sa buhay-buhay natin habang naglalakad tayo."
Napakunot ang aking noo nang sandaling hawakan niya ang aking braso. "Puwede ba, huwag mo akong hawakan," sabi ko sabay lumayo sa kanya. "At ayaw kong sumama sa 'yo, gusto ko lang dito," sabi ko sabay umupo ako.
"Then I will stay here," sabi niya sabay umupo sa tabi ko. Kaya naman pinilit ko na malayo kami sa isa't-isa. Mayamaya, nagkaroon ng saglit na katahimikan at bigla niya rin binasag. "I'm sorry."
Hindi ako nag-respond sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit nangingig ang aking kamay at kinakabahan.
"I am really sorry," sabi niya. "Kung may nagawa man akong kasalanan sa iyo, patawarin mo ako." I didn't respond again, but he didn't gave up. "Kahit hindi ka mag-respond, ayos lang. Basta makinig ka sa mga sasabihin ko," sabi nito, at nakinig ako. Hindi ko alam pero hinayaan ko na lamang siya na magsalita. Though, hindi ko masasabi na maniniwala na kaagad ako sa kaniya, pero it is time that I need to hear out his side. "Hindi kita niloko in the first place. Iniiwasan ko na masaktan ka at lalo na kung mawawala ka," he said. "Aaminin ko na nagkita kami ni Christine, just to make her clarify na tigilan niya na ako, but she suddenly hug me," sabi nito kaya biglang kumirot ang dibdib ko.
"Pero bakit hindi mo man lang tinanggal 'yung pagkakayakap niya sa 'yo? Sarap na sarap ka ba na niyayakap ka niya huh?" inis na tanong ko sa kanya.
"Tatanggalin ko na sana, pero bigla kang dumating," pagsisiwalat nito. "Patawarin mo ako kung binigo kita-"
"That'a enough," sabi ko at saka tumayo. "Enough for your lies, Ethan," sabi ko ulit at saka tiningnan siya. "Hindi ko na mababago ang desisyon ko."
Pagkatapos kong sabihin iyon, naglakas loob akong maglakad palayo sa kanya. Hindi ko namamalayan na natulo na pala ang luha ko nang dahil sa sinabi niya.
"No Sharm," sabi ko sa sarili ko. "Stop thinking about him, stop, please. Don't cry for him. The past is enough for you to learn, please stop."
"Okay." Napalingon ako roon sa taong nagsalita. Napa-half open pa ang bibig ko nang dahil doon. Nakangiti siya na akala mo ay may nalaman siyang kakaiba. "Say something about you and Ethan."
"You misunderstood about us, Jamie."
"I know what I hear, kaya magsabi ka ng totoo." Pinukulan ako nito ng makahulugang tingin. "Naging kayo ba ni Ethan?"

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...