Ellaine
NAPASAPO ako sa noo. Alam kong isang kahibangan lang po ito. 'Di ba? Hindi na ako naniniwala sa sign kasi hindi ito kapani-paniwala. Isa itong kahibangan. Erase na lang itong nangyari ngayon."A-Ano nga palang ginagawa mo rito? Nanggaling ka bang simbahan kaya ka narito? Ah oo nga pala, masama ka namang tao."
"Sa pagkakaalam ko, puwedeng magsimba ang kahit na sinong tao. Masama man or mabuting tao," pambabara niya sa akin. Matatawa sana ako sa kanyang pagsasalita subalit pambabara nga pala ang sinabi niya. Nakakaasar.
"Sabi ko nga! Akala ko kasi masusunog ka," I mumbled then I pouted.
"Of course not."
"Then what are you doing here?" I asked.
Tumayo ito sa bench at lumapit sa akin sabay ngumis, "None of your business." Napa-pout pa ako nang dahil doon.
"God answered my best wish," he whispered sabay tumingin sa akin.
"Good for you," sabi ko sabay ngumiti. Sorry God, masiyado ng matabil ang bibig ko kanina. Pasensya na po talaga. "Ano ba 'yung wish mo?"
"I already found her," sagot nito dahilan para bumilos ang tibok ng aking puso. What he meant for that? "What about you?"
Napalaki ang mata ko dahil sa tinanong niyang iyon. "Uhm . . . same as your wish but not granted," sagot ko.
"That Zy," sabi nito sabay napatingin ako sa kanya. "Bakit ka niya pinaghihintay ng ganito?" he suddenly asked that is why I my eyes roamed a little bit. Naging ugali na niya yata mag-comment.
But deeply, inside, I felt something. Bakit ako kinakabahan? Or something like butterflies in my stomach? Heto ba ang nararamdaman ko ngayon? Ang weird!
"That Zy is stupid. I wish he didn't find you, anyways," sabi nito kaya naman napasimangot ako. May sounds na panunuya iyong stupid eh sabay huwag na sana raw ako mahanap. Napakasama talaga!
PAGKAUWI namin sa hacienda, inihanda ko na ang gamit namin para bukas ay hindi na ako magmamadaling mag-empake. Sila nama'y nasa main hall nakain ng iba nilang pinamili.
"Ang sarap ng peanut brittle na 'to, grabe!" sabi ni Jamie na ngayo'y nakain ng peanut brittle. "Oh! Tikman n'yo Sharmaine at Alexia!"
Binigyan naman ni Jamie ng tig-isang balot ang dalawa at kinain din. Ang dalawa nama'y nasarapan kaya patangu-tango. Gusto ko rin.
"Itago na ang mga pagkain at nariyan na ang food monster!" sigaw ni Kuya habang nakatingin sa akin na siyang ikinapout ko.
"Tse! Hindi kita aawayin dahil galing akong simbahan," sabi ko.
"Napakabanal naman ng bansot!"
Inirapan ko na lang si Kuya. Tsk, lahat tayo makasalanan 'no! Err.
"Hoy! Masama 'yan! Kasalanan 'yang pang-iirap mo sa akin. Aba eh, mas matanda ako sa 'yo kaya hindi mo ako dapat ginaganiyan!"

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...