抖阴社区

HATE ? TWENTY-SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabilis akong napatingin kay Angela, ang lakas ng loob ng babaeng ito. Ganoon din sana ang gusto kong itanong pero natatakot ako sa magiging sagot ni Zander.

"This dummy is my one and only," he said and he grabbed my hand. "Let's go."

Narinig ko na lamang na kinilig si Angela kaya namula ang mukha ko. "I'm not yours, Zander. I hate you!"

"Whether you like it or not, you are still mine." Lalong namula ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Sa pagkakataong ito, hindi ko na magawang humarap sa kaniya. Nakakahiya.

"Why not Katherine?" I utterly asked.

"Because she's not you."

Hindi na ako nakaimik pa, sa halip ay lalong namula ang mukha ko na parang makopa. Bigla rin sumagi sa isipan ko na maaring pakana niya lamang ito para pag-selosin si Katherine. He must be using me for the sake of his plan.

Pero may mga random questions din ako na nasa isipan ko. Bakit siya naging ganito? Bakit naging sweet siya bigla?

I still don't know why he is being like this!

WE are currently here in Holy Mary Orphanage. Ayon sa kuwento sa akin kanina ni Mother Superior, pag-aari raw ito ng mga Cortez at madalas daw na dumadalaw si Zander dito kaya bigla akong napangiti.

May ganitong side pala siya.

"Where's Elvi right now?" tanong ko kay Zander.

"He's here." Tinuro niya ang isang kuwarto pagkatapos noon, binuksan niya ito ng dahan-dahan. Bumungad sa akin si Elvi na nakupo at nakatingin sa labas. Sinenyasan ako nito na pumasok kaya pumasok ako.

Lumapit ako kay Elvi at umupo sa tabi niya. Hindi ako makaimik dahil bigla akong kinabahan, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

"Alam ko pong patay na si Inay," sabi niya kaya parang may biglang tumusok sa aking dibdib. "Pero hindi ko po alam kung paano siya ililibing gayong wala po akong pera," dagdag pa nito at humarap sa akin sabay ngumiti. "Kaya salamat po kasi nakilala ko po kayo. Kung wala pong tulong n'yo, hindi ko po maihahatid sa huling hantungan si Inay."

Pagkasabi niyang iyon, bumagsak na ang luhang kanina pang nagbabadyang pumatak. Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala Elvi, aalagaan ka namin at panigurado akong matutuwa ang magulang mo kung tutuparin mo ang mga pangarap nila sa 'yo at ang patuloy na mabuhay."

Pagkatapos naming mag-usap ni Elvi, hinayaan muna namin siyang mapag-isa kaya kaming dalawa ni Zander sa buong orphanage. Tinuturo niya sa akin kung saan siya madalas nakikipaglaro sa mga bata at iyon ay parte ng playground.

Bigla akong napaisip na he is perfect dad for his future kids.

Noong nakaabot na kami sa two seater swing, ang favorite spot niya raw sa playground ay naupo muna kami.

Gaya ng sinabi ni Zander sa akin, bawat bata rito sa orphanage ay nakakapag-aral, nakakakain ng maayos at naaalagaan ng mabuti kaya hindi na ako nag-alala sa magiging kalagayan dito ni Elvi since pinahabilin namin ito kay Mother Superior.

Habang nakatingin sa kawalan, biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mother Superior. Sabi nito na ako ang pinakang-unang babae na dinala ni Zander dito at napagkamalan pa nga niya akong girlfriend nito. Sinabi ko naman ang naging kasunduan namin ni Zander, pero kahit na sabihin ko iyon, naniniwala pa rin daw siyang kami ang itinadhana.

"Zander," I called him unintentionally. "Bakit pala ako ang sinama mo?" What a lame question!? Gaga ko, malamang na gusto kong kausapin si Elvi kaya dinala niya ako rito.

"Dummy, because Elvi was here," he sarcastically answered. Yeah, I know. "Pero ikaw ang unang babae na sinama ko rito."

Tumingin ako sa kaniya at hindi ko namalayan na namumula na pala ang mukha ko. "Ta-Talaga? Pero bakit?"

"And you will be the last," sabi nito kaya napakunot ang noo ko. "Kasi hindi na ulit kita isasama, but . . ." Ikinulong niya ako sa dalawa nitong bisig dahilan para magkalapit na ang mukha namin sa isa't-isa. "Call me Zander-sama first."

"E 'di Zander-sama! Oh okay na?"

"Tch," he tch'ed. "With feelings."

"Aba!" reklamo ko at lumayo ng tingin sa kaniya. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nakatingin pa rin ito sa akin kaya lalong namula ang mukha ko. "Oo na! Sige na!"

Pinakawalan niya ako at kinuha niya ang phone niya. "Ellaine, start now."

"Eh bakit may video?!" reklamo ko.

"Because I want to," sabi nito. "It's recording."

"Zander-sama! Yamete kudasai!"

"Oh, perfect, saved." Isinilid niya ang phone niya sa bulsa and he grab me tagging me away. "Let's go."

"I-delete mo muna iyon!"

"Nah."

"Let go!"

BAGO pa man kami nakaalis, pinagtipon muna ni Mother Superior ang mga bata at pinakilala sa akin. Si Zander naman ay nakaupo sa isang tabi habang nainom ng black tea. Habang nakaupo, nakikipag-usap siya sa mga bata na nagtatanong sa kaniya.

"Girlfriend n'yo po ba si Ate Ellaine?" tanong ni Simon.

"Yes, she's my girlfriend." Without any hesitation, sinagot niya ang bata nang ganoon kaya I glared at him.

"He must be joking," sabi ko. "Hindi kami mga bata, friend ko lang siya."

"Kuya Zander! Gawin n'yo po siyang girlfriend!" suhestiyon ni Elvi kay Zander.

Zander patted him and said, "Soon."

My heart pounds fast.

Shit.

Nafa-fall na naman ba ako sa kaniya?

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon