Makalipas lang ng ilang araw mula birthday niya, bumalik na naman ang full swing ng immersion life. I thought things would slowly start to wind down — pero parang mas naging intense pa.
At hindi lang ‘yung workload ang bumigat. Mas bumigat ‘yung iniisip ko.
May bagong transferee daw sa immersion site nila Rhyler. Syempre, hindi ko siya ka-site, kaya puro kuwento lang ang naririnig ko. Sabi ng mga kakilala namin, galing sa private school ‘yung girl. Fluent magsalita, mabilis makasabay sa tasks, at higit sa lahat… mabilis din makadikit sa mga tao. Including Rhyler.
“Nagpapatulong daw sa mga college entrance exams,” sabi ng isa naming kaklase sa GC.
“Tinuturuan siya ni Rhyler. Magkagrupo sila.”
“Ang lapit nila sa isa’t isa… as in.”
Tumawa lang ako nung una, trying to brush it off. “Tutor lang naman eh.”
Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa picture na sinend nila sa GC — group photo ng immersion site nila. Nasa gitna si Rhyler, hawak ‘yung mock reviewer, at nasa tabi niya ‘yung girl na bago. Pareho silang naka-smile. Parang close na talaga.
And then… the bomb dropped.
One evening, habang nagbabasa ako ng notes ko, biglang tumawag si Atasha.
“Eli…”
“Hm?”
“Alam mo bang bumalik na si Chelsea?”
Napaupo ako nang diretso. “Sino?”
“Si Chelsea. Childhood friend ni Rhyler. Yung nasa picture sa kwarto niya. Yung tinanong mo dati pero ‘di niya binanggit kung sino.”
Biglang parang may humigop ng hangin sa paligid ko. “Anong… bumalik?”
“From the US. Nandito na daw ulit. Mag-eenroll for summer classes, then tuloy-tuloy na raw for first sem.”
Tahimik ako.
“She’s staying in the city na rin. At guess what?” Patigil-tigil ang boses ni Atasha. “Nag-visit daw siya sa immersion site ni Rhyler kanina.”
My heart dropped.
“Eli…” Atasha's voice softened. “Siya ‘yung first crush niya, ‘di ba?”
Alam ko. Alam ko na. Noon pa. Hindi man niya sinabi nang diretso, ramdam ko sa tono niya tuwing napag-uusapan ang picture na ‘yon. Pero I trusted him enough not to push. Not to ask more than what he was ready to share.
Pero ngayon?
Two girls.
One new and eager to be around him.
One from the past — with history, memories, and a bond I couldn’t compete with.
Habang ako, malayo. Busy. Pagod. Hindi makabisita. Hindi makasabay.
Napatingin ako sa phone ko.
Still no reply.
Last text ko:
> “Goodnight, Love. Miss you today.”
Wala. Walang kahit simpleng "me too."
For the first time in weeks… hindi ako nakatulog na may ngiti sa labi.
---
Nagpanggap akong busy. Kahit totoo naman. Pero kahit gaano ako ka-occupied, kahit ilang bata pa ang kailangang i-assist sa community site namin, kahit ilang report pa ang kailangan kong i-type, ang utak ko? Lumilipat-lipat sa mukha nina Chelsea at Rhyler.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
