Napansin kong kumuha si Ethan ng tinidor saka tumikim ng ulam sabay tumangu-tangong sinabing, "Hmm, taste so good."
"Tingnan mo, buti pa 'tong si Ethan, tikman ninyo rin kaya."
Kumuha si Vhan at si Zander ng tinidor saka tumikim.
"Wow! Ang sarap nga!" puna ni Vhan, tapos si Zander naman tatango-tango lang.
"Nako! Nagustuhan n'yo ba? Sige, ipaghahanda ko kayo. Kain muna kayo!" alok ni Yayey kina Kuya saka naghanda pa ng pagkain.
"Ano Kuya? Gusto mo ba?" Isusubo ko na sana sa kaniya ang kanin na may kasamang ulam, kaso inilihis niya ang kamay ko at kumunot pa ang noo.
"Ayaw ko nga kasi eh!"
"Bahala ka riyan," sabi ko sabay tumingin sa taong kadarating lang. Oo, si Kian.
"Ate! Gusto ko rin niyan!" Lumapit siya sa akin sabay niyakap ang leeg ko.
"Kumain ka na rin, bunso. Bahala 'yung isa riyan!" pagdidiin na sambit ko.
Kaya naman, sumabay na rin sa amin si Kian. Si Kuya naman hindi niya natiis na nakatayo lang kaya sumabay na rin siya sa amin.
Habang kumakain kami, daldal ng daldal si Kuya at kinukuwento kung ano ang naging experience niya ngayong siya na ang student council president.
"Grabe, ang hirap pala na maging president. Mas mahirap pa pala ito kaysa noong na-elect ako," paglalahad nito habang may laman pa ang bibig niya. "Dati, pagawa-gawa lang ako ng action plan tapos ngayong kailangan ng i-adapt, ang hirap pala."
Si Vhan naman, sumingit at sinabing, "Kasalanan mo iyan, patakbo-takbo ka pa sa student council, tapos rerekla-reklamo ka riyan! Mag-resign ka na lang!"
"Aba, nagsha-share lang naman ako ng nararamdaman ko at na-experience ko ngayon, pero hindi ko sinabing magre-resign ako!" kontra ni Kuya kaya halos tumalsik na ang pagkain sa bibig niya.
"Wala ka bang kamanners-manners Kuya?" puna ko rito nang mapansin kong may butil ng kanin ang tumalsik sa akin. "Kadiri ka kasi kung hindi mo pa alam!"
Nag-bhelat lamang ito. Mayamaya'y napansin namin na ubos na ang nasa sulyaw niya. "Ayaw ko na! Hindi masarap!"
Ang galing!
"Ayaw raw eh, naubos naman!" pang-aasar ni Vhan. "Klaseng mahilig din sa mahaba."
Tumayo na ako pagkatapos kong kumain at tumungo sa kwarto ko.
Kahit pa-paano, masaya rin pala silang kasabay sa pagkain 'no?
Nagsipilyo muna ako at naghilamos tsaka humiga sa kama. Tapos biglang umupo ulit para tingnan si Nightmare: our tabby cat, kung narito, sa kwarto ko lang kasi siya nag-istay.
Natutulog ng mahimbing ang pusa ko kaya 'di ko na muna ito inistorbo at sa halip kinuha ko ang tablet ko para maggawa ng iba pang assignment at iyon ay sa Empowerment Technology, kung saan gagawa kami ng kahit anong digital art. Dapat daw walang gaya-gaya sa internet kasi mayayari kami kapag nagkataon.
Sa totoo lang, hindi ako marunong maggawa ng ganito at lalong higit na hindi ako marunong mag-drawing.
I feel frustration na baka hindi ako makapagpass nito bukas, pero sayang kasi ang points, mataas pa naman iyon. Kahit na nawawalan ako ng pag-asa, nag-try pa rin akong mag-drawing, pero kahit anong pilit ko, ang pangit pa rin.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FIVE
Magsimula sa umpisa