抖阴社区

                                    

At binuksan ko naman 'yung message ni Kuya.

Kaizer: Hoy, Bansot! 'Di muna kami makakasabay ni Kian sa 'yo. Alam mo na naman siguro: una, isa akong gwapong president na busy; si Kian may meeting para sa scouting at pangalawa sa akin ibinigay ang responsibility ng Café Universe.

Ngayon ay mag-isa lang ako. Wala na si Sharmaine at kanina pa siyang umalis; gano'n din si Alexia. Ako na lang talaga ang mag-isa. Pagkatapos kong pumunta ng locker, umalis na ako. Maglalakad na lang ako para makatipid. Medyo madilim na rin kaya minadali ko na lang na maglakad.

Hanggang sa makarating na ako sa pinakang-ayaw kong ruta.

Puro mga puno.

Nakakatakot lalo na kung madilim.

Malaki ang agwatan ng lamp post kaya nagmimistulan itong creepy road. Mukha pang may mga engkanto kaya natatakot talaga akong dumaan dito ng mag isa.

Kaya naman nagmadali akong maglakad, pero may nafefeel akong kakaiba. Siguro, dinuduwag ko lamang ang sarili ko.

Nagmadali akong maglakad, pero talagang may sumusunod pa rin sa akin. Kaya naman nagawa kong tumakbo dahil siguro natatakot na ako, at oo nga tama ang hinala kong may nasunod din sa akin.

Saglit akong natigil sa pagtakbo at lumingon sa likod, pero nawala 'yung sumusunod sa akin.

Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglakad, dahil sigurado akong hindi na nila ako nasundan, ngunit may bigla akong nabangga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at sabay pa noon ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Parang nagyelo ang paa ko dahilan para hindi ako makakilos.

Tumingin ako sa lalaki, ngunit hindi ko maaninagan ang mukha nito.

Ang tanga mo Ellaine, nakatipid ka nga sa pamasahe, madededo ka naman sa pinaggagawa mo!

Naglakas loob akong tumakbo, pero kaagad na hinigit nitong lalaki ang bag ko pabalik sa kaniya. Dahilan din para magkagalos ako. Pinilit ko kasi na makawala rito at imbes na makawala ay hindi; nagalusan pa ako.

"Pakiusap lang, wala akong ginawang masama sa inyo kaya pakawalan n'yo na ako!" sabi ko, pero hindi nakinig ang lalaking nakahawak sa akin. Kaya naman pinilit kong kumawala sa pamamagitan ng pagkagat ng kamay nito.

Nakawala naman ako at handa ng tumakbo, ngunit nakaramdam ako ng pagdagok sa aking batok.

Unti-unting nanlabo ang aking paningin at tuluyang . . .

INIMULAT ko ang aking mga mata. Madilim ang paligid. Tanging liwanag lamang na mula sa butas ng bubong ang nagbibigay liwanag dito sa kwarto. Sa wari ko'y nasa abandonadong warehouse kami.

Sinubukan kong kumilos at tumayo, pero hindi ko magawa dahil sa tali sa aking paa at kamay.

Nakagapos pala ako.

Ano nga ba ang gagawin ko?

Oo, kailangan kong tumakas dito.

"Gising na pala si prinsesa."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon