抖阴社区

                                    

Kaagad akong kinurot ni Jamie dahil sa ginawa ko kaya ako napainda.

"What's the problem, Ate Ell?"

"W-Wala naman," sagot ko rito.

Pagkatapos ako nitong tanungin, tumingin muli siya sa letter. "There's no traces and message were computerized," sabi nito. "But Jamie was right, I think that person is harmless."

"Oo nga naman Ellaine, may punto naman talaga silang dalawa!" sabi ni Sharmaine at halatang sumasang-ayon sa sinabi ng dalawa.

Maari kayang kakilala ko itong taong ito?

Nakapagtataka nga, kung alam niya kung ano ang paborito ko at ganito rin ang ginagawa ko dati, maari kayang si . . .

"MJ!" tawag nito sa isang lalaki.

Hindi 'yon maari!

Asa pang magkagusto sa 'kin ang walanghiyang paasang 'yon, pero kung mayroon man, siguro gusto niya lamang bumalik ang loob ko para sa kanya ta's boom! Lolokohin niya ulit ako.

But this time, friend muna. Kasi mahirap na ang magtiwala.

"Oh my dear, Ellaine."

Ano kayang ginagawa niya rito sa ladies locker?

Hindi ko na lamang siya pinansin sa halip ay tinitigan ko ang letter ng ADMIRER ko kuno.

"Hindi ka ba masayang makita ako?" tanong nito at hindi ko muli siya inimikan saka ko sinenyasan ko na lang ang mga kasama kong umalis.

"Balita ko may gusto si MJ kay Ellaine."

"Oo nga eh, una kay Katherine tapos nakipagbreak siya, sumunod naman si Remi, tapos ngayon naman kay Ellaine."

He is playboy, walang pinagkaiba. MJ is still MJ.

End of Flashback.

Hindi na ako naniniwala sa mabubulaklak niyang salita.

Bumaba ako sa may kusina para kuhanin 'yung bigay nung secret admirer ko kuno. Sa totoo lang, first time kong makatanggap nito kaya hindi masasayang ang pinaghirapan ng taong nagbigay nito sa akin.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon