抖阴社区

                                    

Kinuha ko sa loob ng fridge 'yung chocolates, choko-choko at oreo.

Buti't nilagyan ko ng note. Paalala lang sa isang mangangain ng hindi kaniya. Of course, sino pa ba? Si Kuya lang naman.

"Penge!" sabi ni Kuya na nasa likod ko ngayon.

"Neknek mo!" sabi ko. Aalis na sana ako nang bigla akong hinarangan ni Kuya at kumura pa.

Hindi talaga ako titigilan nito eh.

"Choda mo bansot!" Saka niya tiningnan ang nasa fridge. "Don't tell me, galing 'yan sa boyfriend mo. Ayy! Wala ka palang gano'n, haha!" sabi ni Kuya na may halong pang-aasar sabay bigla itong ngumiti ng nakakaloko kaya naman kinabahan ako. "Pustahan galing sa secret admirer mo 'to 'no?"

Paano?

Bakit?

Grr, yeah! He's a mind reader.

"Heto na oh!" Kumuha ako ng choko-choko, dahil paborito niya rin iyon at pagkatapos ko ibigay iyon, umalis na ako.

Tumaas ako kaagad sa kwarto ko at hinablot 'yung diary ko sa may study table at binuklat 'yon.

Ilang araw na rin pala akong hindi nakakapagsulat dito. Iniisa-isa ko 'yung page at sa pinakahuling sinulat ko. May mga tanong na hindi ko kayang sagutin, kagaya ng . . .

"What is love?"

Alam n'yo guys, ang love ay hindi lang makikita sa pakilig-kilig lang o sa crush crush lang, makikita mo ang love kapag totoo ang nararamdaman ng isang tao para sa 'yo. It's all about sacrifices, about trust and also being true to yourself, to your feelings rather.

I have never been in love, but I know how to define love. It's like, I base my words on my observations.

Naalala ko tuloy 'yung una ko siyang nakilala.

A memoir?

UMALIS na kami ni Jamie sa cafeteria at ngayon ay iniinom ko pa rin ang juice ko.

"Hoy Jamie! Samahan mo ako sa Café Universe ah! Patay ako do'n kay kuya, 'pag 'di ako pumunta."

"' Yoko nga!"

"Please! Samahan mo na ako plea-"

Natapon ang juice ko, dahil may biglang bumangga sa akin.

"Shit," sabi ng lalaking nakabanggaan ko.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Siya na nga ang bumangga, siya pa ang may ganang magalit.

"Hoy! Lalaking akala mo ay supiryor! May gana ka pang magalit eh ikaw naman ang bumangga sa 'kin!"

He look at me seriously and deadly. Pawang binabasa niya ang ekspresiyon ng aking mukha. Bahagyang nanlaki ang mata nito, sa hindi ko mawaring dahilan.

"Based on my observation, you're also not looking on your way. Look at my fucking uniform, you ruined this, dummy." His chilling voice froze me for a while, pero hindi ako matitinag.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon