"Aba! Aba! May gana ka pang magalit ah! At anong dummy-dummy? Kapal mo! Hoy! Ikaw ang dito ang hind-"
"Zander!" Bakit pamilyar sa akin ang boses na 'yon? Lumingon ako at si . . . Kuya?
At meron pa.
PUMUNTA akong secret garden, dito lang sa school. Oo secret, kasi ako lang ang may alam. Sa labas kasi nito halos hindi mo malalaman na may garden sa loob. Sa sobra ba namang lawak ng school eh. Pero dahil dala ng curiosity kaya natuklasan ko itong tinatawag kong SECRET GARDEN.
Pumasok ako rito at nadatnan ko ang mortal enemy ko.
Bakit dito pa sa lugar na 'to?! Kung saan payapa at walang disaster.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko roon sa lalaking masungit.
Aba! Hindi ako pinansin ah, hetong masungit na 'to ah.
Ngayon ko lang din napansin na nasa favorite spot ko siya. Lalo tuloy akong nainis dahil doon, lalo pa't nakahiga pa siya na akala mo'y pagmamay-ari niya. Oo nga't siya ang may ari nitong school pero hindi puwede sa lugar na ito!
Nilapitan ko siya sa may puno, umupo at tiningnan ito
Tulog pala siya.
Tinitigan siya ng maigi. Napakaamo ng kaniyang mukha kapag tulog, tapos may bigla pa akong naalala. Hindi ko matandaan kung sino siya, para kasing nagkita na kami, noon pa.
"Why are you staring like that?"
Nagulat ako nung nagsalita siya dahilan para mapatayo ako at iniwas ang tingin sa kaniya.
"A-Ano? Kapal talaga ng mukha mo."
Napatingin ako noong kumilos ito. Umayos lang pala siya sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung anumang atraksiyon ang mayroon kaya napatitig ako sa malalamig niyang mata sabay nakalubong pa ang kilay nito.
Ano bang problema nito?
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya kasi parang mamamatay ako sa tinginan niyang iyan.
Nang dahil doon naging magkaibigan kami. I also remembered how I admired him, back then. That time when he delivered his speech at the flag ceremony, he was chosen to deliver a speech not only he's an owner of the school, but he got perfect scores in entrance exams here in Zage. Well, he's a valedictorian, at all.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? SIX
Magsimula sa umpisa