"Buwis*t 'yung gumawa niyan kay dre."
"Humanda sila 'pag nagising 'yan."
"Nandiyan kasi siya kaya 'di siya lumaba—"
Kahit napatigil ako sa paglalakad, hindi ko naman naririnig ang pinagsasabi nila. Masyado na akong usisera baka mapagkamalan pa nila akong tsismosa. 'Di bale, magpapaalam na nga lang ako sa kanila.
"Kuya, aalis na ako ha."
"G-Good luck sa inyo bukas," sabi ni Vhan at nginitian ko na lamang siya.
"Makikinig ako, galingan n'yo!" sabi ni Ethan.
"Oo naman 'no, kaya namin 'yan—fighting!" Saka ako umalis.
Good luck to myself.
ITO na ang araw, kung saan mahaba-habang tanungan ang mangyayari mamaya. Mukha ngang mag-iisa ako kasi si Zander ay nasa hospital pa rin. Nalungkot tuloy ako. Ewan ko ba parang kulang. Baka siguro, ako lang talaga.
Mag-iisa na naman ako.
Pero kailangan kong tapangan kasi hindi magiging posible ang inihanda naming presentation kung wala lahat ng ideya niya, ang lahat ng mga ginawa niya. Hindi ko puwedeng buliyasuhin ang mga ito.
"Ellaine, galingan mo! Kaya mo 'yan kahit mag-isa ka lang," sabi sa akin ni Sharmaine para mabuhayan ako at magkalakas ng loob. "Saka nga pala, kumain na tayo, break time na! Masamang magutom."
Nagligpit muna ako ng mga gamit ko at umalis na kami sa room. Naglakad kami papuntang cafeteria.
Sana na lang maging ayos na siya, kasi sobrang kong ikakaloka kapag hindi pa siya magigising.
Sa totoo nga niyan, kinakabahan ako at pinipilit kong labanan ito, pinipilit ko rin ang sarili kong kayanin ito ng mag-isa, pero gusto ko ring patunayan sa kanila na kahit nanagot si Zander kay Ma'am, ayaw kong isipin nila na tinatakasan niya ito.
Kung hindi siya siguro nanagot, hindi siya madadamay. Dapat kasi hinayaan niya na lamang akong na mahampas ng stick sa palad ko. Kung 'di niya ginawa 'yon, wala itong report na ito at wala siya sa kalagayan niya ngayon.
I deserve this punishment, and he doesn't deserve to be punished too.
Noong nasa cafeteria na kami, diretso kaming umupo sa aming usual seat. Hindi ako mapakain dahil marami akong iniisip, kabilang na roon si Zander na nasa hospital pa ngayon.
This is my fault.
"Luh, bakit kulang sila?"
"Wala si Zander?"
"Wala rin si Ethan?"
"Nasa hospital daw sila ngayon eh kaya sina Vhan at Kaizer lamang ang nandiyan."
"B-Bakit?"
"Nabugbog si Zander. Kasalanan kasi 'yan ni Ellaine eh, sobra kasing lapitin talaga 'yon ng gulo. Kawawa tuloy ang bebeloves ko."
"Kailangan nating humanap ng paraan para mapalayo si Ellaine kay Zander, gosh! These past few days magkasama 'yung dalawa. May something kaya? Gosh, I will forever hate Ellaine if they are in a relationship."

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? TWELVE
Magsimula sa umpisa