抖阴社区

HATE ? TWELVE

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso dahilan para mapatungo ako. Kapag lumalagok ako ng laway parang may tinik sa aking lalamunan at ang aking mga mata, parang aagos na lamang ito bigla-bigla.

"Hey Ate Ell! Good luck sayo mamaya!" sabi ni Alexia. Kaya tumunghay ako at ginantihan siya ng matipid na ngiti.

"May problema ba, Ellaine?" tanong naman ni Jamie. 'Di talaga ako makakatakas sa mapang-obserba niyang tingin.

"W-Wala," maagap kong sagot.

"Weh?" sabat ni Kuya. "Ay inang, namimis—" Hindi na naituloy ni Kuya ang kaniyang pagsasalita dahil isinubo ni Alexia ang sandwich na hawak niya kay Kuya nang may pagkasadista. "Paurit-urit na ro ahh, nakakairis ka na Raba. Oh hano nga Erraine," sabi ni Kuya na puno ang kaniyang bibig.

Napatungo ako at nagsalita, "Selfish ba ako kung sasabihin kong gusto ko siyang makasama sa reporting mamaya? Hindi dahil sa kinakabahan ako, kundi gusto kong patunayan sa kanila na hindi niya tinatakasan 'yon. I am too worried, yes. Dahil kasama ko siya noong nagkaganiyon siya at gawa ko rin kung bakit siya nadamay sa parusang dapat na sa akin talaga."

Tumunghay ako sabay tumingin ako sa kanilang lahat. Tahimik lamang ang mga ito at hindi magawang magsalita.

"Basta Ate Ell, magiging ayos lang din ang lahat ah? Just wait," sabi ni Alexia at isang makahulugang tingin ang ipinukol niya sa akin.

Mayamaya inaya na ako ni Sharmaine pabalik sa aming room. Habang nalapit ang oras ng FPL, kinakabahan na ako. Alam kong natural lang ang kabahan.

Para saan pa ang pinaghirapan ni Zander kung babastahin ko lang ito.

"Miss Salvador," tawag sa akin ni Mam Soriano at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya habang ang karamihan sa amin ay may sinasagutan pa. Kaya namab lumapit ako. "Puwede ka nang maghanda sa Filipino ninyo. Nabalitaan ko kasi sa faculty na  napagbuntunan kayo ni Ma'am Babalu kaya naman hahayaan kitang mag-ready na. I know you feel nervous, pero alam kong kaya mo 'yan, good luck."

"Salamat po."

". . . at sana, maging maayos na ang partner mo," dagdag pa ni Mam.

"Sana nga po," sabi ko. Nginitian ko si Ma'am at saka ako bumalik sa aking inuupuan at nagbasa-basa ng kaunti.

Alam ng lahat na napaka-terror ni Ma'am Babalu, talagang iiyak ka sa harap niya, pero wala pa ring sense 'yon. Kapag bagsak ka, bagsak ka talaga, kumbaga non-negotiable ang mga grades sa kaniya.

Lalo rin akong kinabahan noong nalaman kong marami ang manonood gawa ni Zander. Kaya kinakabahan ako na baka bumagsak kami ni Zander dahil sa katangahan ko, graduating pa naman kami at saka baka madamay ang grades ni Zander, siya pa naman ang top 1 ng campus.

Mayamaya umalis na si Ma'am Soriano at ito na ang Filipino. Ni-ready ko na ang lahat ng gagamitin sa report. Buong oras ng subject na 'to ay sa amin ni Zander, kaso wala siya, kaya ako lang mag-isang magrereport.

Tinulungan ako ni Sharmaine na i-set up ang lahat, gayon din 'yung flashdrive ni Zander na isinalpak ko na sa aking laptop.

Bigla akong napaisip habang nagse-set up. Bakit nga ba niya iniwan ang flashdrive kay Kian? Paano kung alam talaga ni Zander na mangyayari 'yon?

Noong natapos kami, sabay noon ang pagdating ni Binibining Babalu. Ayan na si Binibining Honorata Dragona Balbuena Babalu.

Tutusukin na ako ng kaniyang baba.

Umupo siya sa pinakang-una at kung titingnan ko siya, mata sa mata'y natatakot na ako. Kung kanina, kaunting kaba lang ang nararamdaman ko, ngayon jusme! Dumoble pa.

Lahat ay nagsiupo na ng maayos at iniintay akong magsalita.

Napansin kong dumating si Ethan na hindi ko man alam kung saan galing.
Saan naman kaya galing 'to? Ah oo nga pala, baka sa hospital.

Umupo na siya sa usual seat niya at ngumiti sa akin. He also mouthed, "Kaya mo 'yan!"

Ngumiti ako sa kaniya sabay tumingin sa pintuan. Ang ine-expect ko pa namang darating ay siya.

Oo nga pala, don't expect too much, kasi kapag umasa ka, masasaktan ka lang in the end.

"Oh, maari ka ng mag-umpisa. Masiyado mo ng nasasayang ang oras sa kakatayo riyan," sabi ni Ma'am sabay luminga-linga ito. "Napansin kong mag-isa ka lang. Iniwan ka na ba ng iyong kasama?" tanong ni Binibining Babalu at ang lahat ay tumawa, puwera lang kina Ethan at Sharmaine.

Bigla tuloy ako nakaramdam ng tinik sa aking lalamunan, parang gusto kong umiyak, pero pinigilan ko 'to.

"Sa una lang pala siya magaling, naturingang matalino'y tumatakas sa gawain. Napaka-iresponsable. Tingnan natin ang galing mo Binibining Salvador. Matitinag ba ako sa galing mo?"

Maiiyak ako na hindi ko alam. Kinakabahan ako, oo. Okay, kaya mo 'yan.

Huminga muna ako ng napakalalim at inayos ang aking  postura.

God, sana ay maging maayos ang pagrereport ko, walang po sanang utal-utal, please!

"M-Magandang hapon sa inyong lahat, ako nga po pala si Krisha Ellaine A. Salvador, ipagpaumanhin po ninyo ngunit wala po rito ang aking kasama sapagkat na-osp—"

Napatigil ako sa aking pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan na kanina'y sarado. Biglang bumungad sa akin si Zander na kalmadong naglalakad papunta rito.

Namamalik-mata ba ako o baka ilusyon ko lang ito? Baka panaginip lamang ito.

Lahat napatingin sa kaniya.

Pakiramdam ko, biglang lumakas ang confidence ko. Tila siya ang kulang, tila siya ang lakas ko sa oras na ito.

Ito na ba ang sinasabi ni Alexia na, just wait kasi kung ito iyon, sobra niya akong pinasaya. Para bang gusto ko siyang yakapin, pero hindi puwede dahil maraming tao.

Tumingin ako ng diretso sa kaniya at para ngang hindi siya nasaktan dahil sa chilling facial expression, and a tower like posture.

Pagkatungtong nito sa harap ko'y kaagad ako nitong niyakap dahilan para magulat ang karamihin.

"I told you, I will not leave you hanging."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon