"Ikaw na malandi ka! Siguro may gagawin kayong dalawa ni Zander dito 'no? Sobrang landi mo talaga eh 'no? Kung ingudngod kaya kita sa sahig nang maalis ang kati sa balat mo!"
"Ano na naman bang pumasok sa kukote mo at iniisip mo ang mga bagay na imposibleng mangyari Ka-therine!"
"Tse! Painosente ka pa," sabi niya sabay tinulak ako.
Naging malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig dahil para mapadaing ako sa sobrang sakit.
"Sa susunod, hindi lang 'yan ang matitikman mo. Kaya kung ako sa 'yo, layuan mo na siya." Saka siya nagwalk out.
Napatulala na lang ako sa kawalan at umupo habang ang dalawa kong tuhod ay nakaubob sa aking mukha. Bumuhos muli ang luha mula sa aking mata, hindi sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko dahil na siguro sa mga banta at mga salitang narinig ko kay Katherine.
Hindi naman ako iiyak kung hindi naman ako nasaktan. Nasaktan kaya ako, mula sa pisikal hanggang sa emosyonal. Tinawag na naman kasi akong malandi. Sino ba naman ang hindi masasaktan doon? Tawagin na nila akong bansot, maarte, at pangit huwag lang talaga ang malandi dahil napakalinis ng pagkatao ko.
Never akong nanlandi at nanggamit ng iba. Kailan . . . Kailan ba ako mananahimik? Siguro kapag wala na talaga ako.
"Ellaine," tawag ni Zander sa akin.
Nakabalik na pala siya, hindi ko napansin.
Tumunghay ako at nakita ko na naman ang mukha niyang kasing lamig ng yelo. Seryosong pinukulan ako nito ng tingin.
"In your case, the only solution to your problem is to come with me." Inaabot niya ang kamay ko at tinulungang tumayo. Pagkatapos kong tumayo, hinigit niya ako papunta sa kaniya, sabay niyakap. "I'm sorry. I made you feel alone."
Pagsabi niyang iyon, kumalabog ang dibdib ko at para bang mayroong kung anong umiikot sa aking tiyan. "S-Sus, alone ka riyan!" Bumitaw ito sa akin at pinukulan ng kakaibang tingin.
"Let us go?" tanong nito sabay ngumiti. Napakakakaibang ngiting ngayon ko lang nasilayan. Kadalasan kasi'y sobra niyang seryoso. 'Yung para bang wala siyang puso. Wala siyang ekspresyon, pero ngayon ko lang nakita siya na ganito.
Kinuha ko ang bag ko at saka kami lumabas ng Zage. Lahat ng taong nakakasalubong nami'y pinagtitinginan kaming dalawa kaya pinilit kong bitawan ang kamay niya, ngunit hindi niya mabitaw-bitawan kahit anong mangyari. Kaya hindi na ako magpumiglas pa dahil masasaktan lang ako.
Tumigil siya kaya naman napabangga ako sa likuran niya, para tuloy akong bumangga sa pader.
"Here." Itinuro niya sa akin ang kwek-kwekan kaya ngumiti ako ng wagas. "My treat," sabi niya.
Lumapit ako sa kinaroroonan ng kwek-kwekan. Tumusok ako ng fishball at kwek-kwek. Si Zander naman, nakatingin lang sa akin na pawang pinag-oobserbahan niya ang kinikilos ko.
"Hoy!" Sabay abot ko sa kaniya ng cup na may kwek-kwek. "'Di ba't paborito mo ito? Kainin mo na ito oh!" Saka niya naman iyon kinuha.
Pagkatapos naming bumili, umupo kami sa pinakangmalapit na bench dito.
Habang nakain ako, biglang sumulpot si MJ sa harap namin. "Can we talk for a while?"
Tumingin muna ako kay Zander, at nakatingin ito sa akin. Sabay tumingin ako kay MJ. "Sure," sagot ko dito sabay tumayo ako. Tumingin ako kay Zander. "Saglit lang ako." Ngunit hinawakan niya ang kamay ko, para pigilan ako.
"Stay," sabi nito.
"Saglit lang ako please?" I heed sabay ako na ang nag-alis sa kaniyang kamay.
Pagkasabi ko noon, lumayo kaming dalawa ni MJ sa bench at nag-usap sa tapat ng isang malaking punong malapit-lapit lamang kay Zander.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? THIRTEEN
Magsimula sa umpisa