抖阴社区

HATE ? TWENTY-ONE

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm not," he answered.

Bigla akong nasaktan dahil doon pero hindi ko pinahalata sa halip ay humiga ako. What are you expecting, Ellaine? Hindi siya nag-aalala sa iyo kaya don't expect too much Ellaine, masasaktan ka lang.

"Iwanan mo na ako, hindi pala nag-aalala sa akin," seryosong sabi ko, pero hindi na siya nakaalis dahil bumukas na ang pintuan ng kwarto.

"Ellaine." Napabalikwas ako ng bangon noong narinig ko ang boses niya.

Lumapit sa akin si Kuya at kitang kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Yayakapin ko na sana siya nang bigla niya akong piningot sa tainga.

"Ouch," daing ko at nag-pout.

"Tama lang 'yan sa iyo! Matigas kasi ang ulo mo! Kung anu-ano ang pinaggagawa mo, kaya ayan! Ayan ang napapala mo!" pagsesermon ni Kuya sa akin.

Napatingin kaming lahat sa pintuan noong ito'y nagbukas. Narito na ang doctor kasama ang nurse niya. Patay! Malilintikan ako nito. Kinakabahan ako kasi mayayari talaga ako kay Kuya.

"Doc! Ano po bang nangyari sa kapatid ko at nagkaganito siya? Pakisabi nga po riyan at nang madala," iritang sabi ni Kuya. Lalo tuloy napabusangot ang mukha ko dahil doon.

"Ellaine, you have urinary tract infection or also known as UTI. Most of UTIs are not serious but some can lead to serious problems kapag hindi ito nagamot. Gaya ng nangyari sa iyo, ang nagiging madalas na symptoms niyan ay ang pagkaroon ng lagnat at sobrang pagsakit ng tiyan dahil affected ang acute pyelonephritis or kidneys. To treat UTI, you need to take antibiotics and confine in just three days. Puwede ka na naman umuwi ng pang third day kapag ayos na ang kalagayan mo," sabi ng doctor sa akin. "While you are treating UTI bawal kumain ng citrus fruits." No. "Bawal uminom ng coffee and softdrinks."Hindi ito maari. "Matatabang karne ng baboy." Lalo pa tuloy napabusangot ang mukha ko. "At syempre ang junkfoods." Hindi! No! Kasalanan ko talaga 'to.

Tumingin ako kay Kuya at alam kong nasa isip niyang buti nga sa akin.
Para tuloy akong nalantang gulay dahil sa sinabi ng doctor ko. Makakapiling ko pa ang mga pagkaing ospital sa tatlong araw na pamamalagi ko rito.

Mamayat tuloy ako. Bye, bilbil. Hi, abs na ba?

Naalala ko rin bigla 'yung food expo. Patay sa Friday na pala 'yon. Bakit kasi nangyari pa sa akin ito? Ang tigas kasi ng ulo ko.

"Maiwan ko na muna kayo rito," sabi ng doctor at umalis na.

"Mamalag-malag ka na naman diyan! Ano bang iniisip mo? Eh nariyan na ang crush mo." Sinamaan ko ng tingin ang Kuya ko at barinong tumingin kay Zander.

"Huwag kang maniwala riyan kay Kuya. Sinungaling 'yan!" sabi ko kay Zander at biglang balik ng tingin kay Kuya. "Kuya, nauntog ba ang ulo mo sa pader? Kailan ka natutong mag imbento ng istorya?"

"Bakit napakadefensive mo? Ikaw talaga, deny ka pa riyan ng deny," sabi ni Kuya. Aba!

"Bahala ka nga sa buhay mo Kuya. Basta ako tutulog lang ako rito." Sabay tingin sa kanilang dalawa with matching singkit mata pa. "At kayo naman, bumalik sa school. Huwag n'yo na akong bantayan dito, malaki na ako."

"Kailan ka pa lumaki?"

Sinamaan ko si Kuya ng tingin. "Lumayas na nga kayo rito!" sabi ko sabay kinuha ko ang phone ko na nasa lamesa, buti na lamang narito ito.

Biglang may nag-pop up na message sa akin at iyon ay mula kay MJ na number. Naka-save pa pala ito rito. "Nag-text si MJ," bulong ko.

"Huh ano?" Kinuha ni Kuya ang phone ko at saka malakas na binasa, "Ellaine, how are you? Hindi kita nakikita sa school ah, absent ka? Bakit? Puntahan kita sa inyo. Ang kapal ng gunggong na ito na mangamusta ah?"

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon