"I will stay here, Kaizer," walang kaemo-emosyong tugon ni Zander.
Bahagyang napalaki ang mata ni Kuya at tiningnan lang ni Zander si Kuya tapos bumalik sa akin ang tingin niya.
"If you really know your stubborn-headed sister, you will allow me to stay here."
Napakamot ang ulo si Kuya at nakumbinsi ito ni Zander dahil sa pagtango nito.
Bantay sarado ako rito.
"Oo nga tsong! At para bantay sarado mo iyang si Ellaine. Baka makapuslit iyan at makipagkita kay MJ."
"Ano Kuya?" pag-protesta ko. "Ipagkakatiwala mo ako sa lalaking 'yan? Iwan n'yo na akong mag-isa rito."
"No!" agad na sagot ni Kuya. "Bawal! Tama si tsong kung kilalang kilala kita, hahayaan ko siyang mag-stay rito. Alam ko naman na gagawa ka ng paraan para lang makatakas at makipagkita kay MJ o 'di kaya'y makakain ng bawal sa iyo mas maigi na may bantay ka at walang iba kundi si Zander," sabi nito saka ibinigay ang phone ko kay Zander. "Tsong, sa iyo muna ito ah? Huwag mo ibibigay kay Ellaine at baka makatawag iyan kay MJ."
Praning na talaga si Kuya, ano ba naman iyan!
"Si Yayey bantay ko!" pagdadahilan ko.
"Hindi! Alam kong papayag pa rin si Yayey, kaya mas mas maigi na si Zander na lang!" sabi ni Kuya. "Kaya ikaw, huwag ka ng matigas ang ulo!" At tuluyan na itong umalis.
"Akin na iyang phone ko!" pagmamakaawa ko kay Zander.
"Did you hear your brother?" he asked me and I nod as a response. "And you know the answer."
"Are you jealous?" I suddenly asked. Siyempre para malaman kung affected siya o hindi, kahit na assuming ako.
"No," he said. I told you.
Saktong pagkakasagot niya, kumulo na ang tiyan ko at saka tumingin kay Zander. "Sabi mo, magiistay ka rito, kaya ibili mo ako ng pagkain. Gutom na ako," sabi ko rito. "Don't worry, after ng three days, gagawin ko na 'yung kasunduan natin."
Tumingin muna siya sa akin, para bang nag aalinlangan siya na umalis, baka kasi siguro iniisip niya na tatakas ako. "Alright."
Paalis na sana siya nang bigla akong umimik. "Behave lang ako, Master."
Tumingin ito sa akin at pinukulan ako ng kakaibang tingin. "Take a rest," sabi nito.
"Yiee, nag-aalala ka sa akin?" I asked, unintentionally. Nakakahiya na ako, pinipilit ko ang bagay na imposible naman.
"Para pagkatapos niyan, magawa mo na ang deal natin."
Napapout ako at siya naman ay ngumisi. Pagkatapos niyang umalis, humiga naman ako at nagmuni-muni.
Kahit kailan talaga, napakasama niya sa akin. Nagbibiro lamang naman ako, with a slight of truth eh. Nakakasakit siya ng damdamin pero hahayaan ko muna itong sarili ko, no more hate muna kasi hindi maganda ang pakiramdam ko. Bawal magpaka-bad vibes ngayon.
Noong lumalawak na ang aking imahinasiyon, nalala ko na naman 'yung panaginip ko na totoo namang nangyari.
Bakit ko kaya napanaginipan 'yon?
Bigla tuloy nag-pop up sa isipan ko si Madamme Jean, siya 'yung manghuhula sa mall. Gusto ko ulit bumisita roon para magpahula. Totoo naman kasi 'yung sinabi niya about doon sa magpaparamdam ng pag ibig sa akin, at si Knight in Shining Armor or also known as MJ.
Napakunot ang noo ko, bigla ko kasing naalala ang mukha ni Madamme Jean. Kamukha siya ni . . .
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong nagbukas.
Nandito na kaagad si Zander?
"Ang bilis mo naman." Hindi niya na ako sinagot, sa halip umupo siya sa tabi ko at iniayos ang kakainin ko.
Pinagmamasdan ko lang siyang nag-reready ng kakainin ko. Masarap nga siguro 'yung binili nya, pero I assured you, mas masarap siya. Zander, ikaw na lang kaya ang kainin ko. Hayy, maharot na Ellaine.
Napailing ako sa iniisip ko talagang may sakit lang ako kaya ko naiisip 'to.
"You want to eat me? Sure." He chuckled lightly then my face turns to red.
"A-Aalis ka o papakainin mo ako? Pili!" biglang tumaas ang boses ko dahil sa inis.
"Here." Iniayos niya ang pagkain ko at sinubuan ako.
"Walang lasa," sabi ko.
"Pinasadya ko sa cook na walang lasa," sabi nito. "Remember, you're treating your UTI."
Kaya naman napa-pout ako at muli, para akong bata na sinusubuan ng pagkain nang mas matanda sa akin.
Hindi naman plain ang lugaw na ito, mayroon namang itlog kaya kahit walang lasa, nakain ko naman ng maayos.
Habang kumakain ako ng lugaw, inalala ko muli si Madamme Jean.
Mula sa hubog ng mukha, mata, ilong at labi.Oh my gosh! No! It can't be . . .
"Are you okay?"
Napabalik ako sa reyalidad nang nag-tanong sa akin ni Zander, kung ayos lang ako.
"Zander, samahan mo ako kay Madamme Jean, please?"

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? TWENTY-ONE
Magsimula sa umpisa