抖阴社区

HATE ? TWENTY-THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Para kang Kuya Z mo! Sobrang galante!" sabi ko kay Alexia kaya naman bigla siyang napatawa.

"Ano baka mo? Galante? Sa sobrang kuripot niyon hirap na hirap iyon magbunot ng pera. Umaabot pa nga sa punto na mapipilitan siyang maglabas ng pera dahil sa mga kondisyon niya."

"Eh? Seryoso ka?"

"Seryoso Ate Ell, kuripot iyon." Napatawa pa ito at saka umupo. Kaya naman umupo na rin ako para makapag-start na.

"Sure ba kayo rito guys?" nag-aalinlangang tanong ni Sharmaine. "Kasi okay na sa akin itong itsura ko."

"OO!" sabay na sabi pa naming tatlo.

Kailangan niyang mag-transform from simple to very gorgeous kasi sobra naman talagang ganda ni Sharmaine, ewan ko lang sa babaeng 'to kung bakit ayaw niyang mag-ayos ng sarili.

Tapos 'yung dalawa naman nina Alexia at Jamie, sanay na sanay sa salon palibhasa'y conscious na sila sa kanilang sarili.

Samantalang ako naman, hindi ko naman kinakailangan na magpaayos ng sobra kasi ayos na sa akin itong ayos ko. Pero pinilit ni Alexia na magpa-facial na lamang ako at massage para naman daw masulit ko ang pagpunta rito.

"Guys, may aaminin ako," sabi ni Alexia habang nagpapa manicure. "This salon and spa was owned by Kuya Z's older sister."

Napatingin naman kaming tatlo kay Alexia. Seryoso? Kung ganoon, sobrang yaman pala talaga ng Cortez, pero teka . . . may kapatid si Zander?

"Yeah, 'di ba napagkasunduan natin na magpapasalon tayo ngayon? Ate Z offered her salon for us and for free lang!" sabi nita. "Kaya after this, gusto ko sana kayong i-invite sa bahay namin para makilala niya kayo. Doon na rin kayo magdinner," sabi ni Alexia saka sumadal sa swivel chair na kinauupuan niya.

"Thank you for this Alexia!" sabi ni Jamie. "Lately, sobra akong stress na stress dahil sobrang daming ineedit na papers, kaya salamat talaga!"

"Welcome," sabi ni Alexia sabay kumindat.

First time kong makasama sila na magpa-salon at talagang ichecherish ko ang memory na ito.


MAGHAPON kaming nasa salon dahil nga ang tagal ng mga ginawa sa amin. Mapapa-oh my gosh ka na lang dahil may nagbago sa aming apat, ang isa sa aming apat.

"You're so beautiful Sharm!" puri ni Alexia.

"Lalo kang gumanda dzai!" sabi naman ni Jamie.

Syempre 'di ako papahuli sa comment. "Nako! Ang ganda ganda mo talaga Sharm! Super duper attractive, baka mamaya magkacrush na sa 'yo ang crush mo!"

"Ellaine, how could Science fall in love with me? Turuan mo nga ako!" sabi nito kaya napatawa na lamang ako. Pati ba naman Science ay naisingit niya pa.

"Tara na guys! Narito na ang driver namin," sabi ni Alexia.

Ayon sa mga nasasagap kong balita, sobra raw yaman ng Cortez. Para silang Royal Family kung tutuusin. Sa dami ng naambag ng Cortez dito sa San Pablo, maituturing talaga silang mahalagang personalidad. Hindi lang San Pablo, sa buong Pilipinas na rin.

Kaya siguro, minsan may nakikita akong camera sa labas ng Zage. Pero ayon sa sinabi ni Alexia, gusto ng Cortez ang pribado at malayo sa atensyon ng karamihan kaya bilang lamang ang pinapapasok nila sa kanilang bahay.

"Narito na tayo!" sabi ni Alexia kaya bigla akong kinabahan. Makikita ko na naman si Zander.

"I-feel at home mo na," bulong sa akin ni Jamie.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon