"At the beginning of lines each starter line up on the end line, liberos also on the end line," Zander answered.
"Eh bakit iba ang color ng jersey niya, kumpara sa ibang teammates nila?" tanong ko naman.
Walang kaemo-emosyon na lumingon siya sa akin. "The libero must wear a uniform shirt or jersey that is in distinct color contrast to shirts worn by other members of the team and must be recognized from all angles as being in clear contrast to and distinct from the other members of the team. The style and trim of the libero's shirt or jersey may differ from her teammates' but her shorts must be like color to her teammates. That is because the libero has its own rules compared to other members."
"How many times have you guys asked that question to Zander?" tanong ni Ethan. "Everytime na may laro ng volleyball lagi n'yo 'yang tinatanong, mga gunggong talaga itong mga ito! Hindi naman porque walking knowledge si Zander eh tanong kayo ng tanong diyan."
"Aba eh limot ko eh!" kontra ko.
"Gunggong ka kasi," singit ni Kaizer.
"Gunggong ka rin!" sabi ko sa kaniya.
Napatigil lamang kami magtalo noong nagpito na ang referee. Kaya tumingin na ako sa court nakikipag-shakehands na sila. Pagkatapos no'n nagtipon-tipon silang mag-teammates para mag-pray. Napansin ko naman si Jamie nagdadasal din na siguro para kina Ellaine din.
"Jamie," tawag ko sa kanya no'ng matapos siyang magdasal, siyempre kita ko kasi nasa tabi ko lang siya.
"Ano?" kalmado niyang tanong.
"Uhh . . ." Napatingin ako sa nakasabit sa kanyang leeg. "Pahiram ako niyan!" Sabay turo ko roon sa camera niya.
"Ahh, ito? Sure! Huwag mo lang sisirain at talagang mamatay ka! Saka mas maganda rin na, mag-picture ka sa laro!"
Binigay niya sa akin ang DLSR camera niya at nagpi-picture ako sa laro. Malapit lang naman kasi kami sa court kaya nakakakuha ako ng magagandang shots.
"'Yan na! Nag-toss na ng bola! Potek!" sabi ni Jamie.
Napatingin ako sa court at nakikita ko kung gaano kadeterminado lahat, lalo na si Ellaine since she's the undefeatable MVP like Zander.
Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato sa paligid at palihim din akong nakuha ng shot ni Jamie.
Perfection.
Ethan
LAHAT kami ay seryosong nakatingin sa court habang nanonood. Kasalukuyang nasa ere ang bola. Wala, ni-isang magpapatinag at hindi man lang lumalapag sa sahig ang bola nang bigla namang sumugod si Ellaine at nag-dive para i-save ang bola.
"Mukhang tanga, nagsswimming sa walang tubig si Bansot!" tatawa-tawang sabi ni Kaizer.
"Malamang naman Eice, dahil ayaw niyang lumapag ang bola sa sahig. Kapag lumapag 'yon puntos 'yon sa kalaban, duh!" sabat ni Alexia.
Ang sakit siguro noon, pero alang-alang sa laro, the game must go on.
"Yehey! Lamang na ang Zage!" tuwang tuwa na sabi ni Jamie.
Napabalik muli ang tingin ko sa court at makikita mong napagulong si Ellaine sa sahig para lang ma-save ang bola. Siya kasi ang libero at obligasyon niyang huwag hayaan na mapalapat ang bola sa sahig.
"Walanjo, mga tsong! Ang sakit niyon! 'Di ko 'yun kaya eh!" sabi ni Kaizer.
Kahit ako masasaktan din, pero paano pa kaya kung babae ka, mas masakit siguro iyon.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? TWENTY-NINE
Magsimula sa umpisa