Nawala naman ang tingin po noong hinampas ni Number 13, Mariano, ang bola kaya naman nakapuntos muli sila. Kaya naman muli silang nagtipon at balik sa posisyon.
"GO! GO! ZAGE!"
"WAHHH!! ANG GALING N'YO!!"
"GO! NUMBER FOUR! GO SALVADOR!!!"
"SAL-VA-DOR!"
"GO! PASCUAL!!!"
"GO! GO! LOPEZ!!!!!"
"MAR-TI-NEZ!"
"MARIANO!!"
Sa sobrang daming nagchecheer, lalo silang nagaganahan sa paglalaro at isa na doon si Jamie. "GO ELLAINE!!" sigaw nito.
Pagkatingin ko kay Jamie, I look at Hye Jin. She's very serious right now at base sa movements niya, she's really nervous.
If I could hold her hand, nagawa ko na.
Pagkatapos ng fourth set, hindi na nagkaroon ng pang-fifth set dahil siguro kita na ang lamang sa dalawang team at sa huli nanalo ang Zage.
Lumapit si Ellaine sa amin at niyakap ang mga kaibigan niya.
"Ang lagkit mo uy!" pagrereklamo ni Jamie.
"Sino kaya 'yung sigaw ng sigaw kanina?" pabiro ni Ellaine.
"Congrats!" sabi namin.
"Congrats Ate!" sabi ni Kian.
"'Di pa naman championship!" sabi niti sabay tawa ni Ellaine. "Una pa lang 'yan."
"Kamusta ang pagsi-swimming mo? Wala namang tubig nagsi-swimming ka!" pang-aasar ni Kaizer sa kapatid niya. Kaya sila nag aaway eh, kagagawan din naman ni Kaizer. Paano kaya natitiis 'to nina Kian?
"Hoy kuya! Tigilan mo ako! Alam mo namang volleyball 'yon, hindi pagsi-swimming," sabi nito sabay napairap pa. "'Di ba 10:00 am ang laban n'yo? Anong oras na?"
"Heto na nga uuna na kami!" sabi ko naman.
Umalis na sina Kian kasama si Yayey Celia. Tapos 'yung dalawa naman nina Vhan at Kaizer, nagsi-alisan na rin kaya naman naglakad na ako puwera lang kay Zander. Imbes na lumakad ako palayo, bumalik ako kay Zander para intayin.
"I am glad that we are okay now," sabi ni Ellaine. Is she the reason why Zander was really upset these past few days? "Manonood ako sa inyo, good luck!"
"Good luck sa inyo!" sabi ni Sharmaine kaya naman napatingin ako sa kaniya. She's looking at me kaya napangiti ako. "Bring a triumph for Zage!"
"Ganbatte!" Ellaine cheered up.
Pagkatapos no'n umalis na kami sa court. Napansin kong ngumiti siya na para bang pinipigil niya lang. Ayan talaga ang nararamdaman kapag in love ka sa isang tao.
Alam ko siya kapag kinikilig, namumula ang tainga niya. Well, I've been known him since then from now. Nauna pa ako kay Thunder at ako ang una niyang kaibigan kaysa sa dalawang gunggong na iyon, kaya kilalang kilala ko siya at kilala ko rin kung sino ang hinahanap niya.
"Hoy Zander! Magpalit ka na ng jersey mo! We have only twenty minutes to prepare."
"Aligaga ka na naman Kaizer!" sabi ni Vhan.
"Malamang! Heto talagang unano na 'to."
"Hoy, kapre na malaki ang tainga! Masiyado ka kasing aligaga eh, chill ka lang, kagaya ni Ellaine."
"Eh, hindi naman ako si Bansot eh! Alam ko ang ugali n'on kunwaring chill lang pero kinakabahan inside."
"Okay okay! Chill ka lang mag-judge ka muna! Oh! Heto oh judge!" Saka inabot ni Vhan ang judge. Asar talaga nitong si Vhan.
"Tarantado ka talaga Vhan!" Sasapukin na sana ni Kaizer si Vhan kaso biglang dumating si Coach.
Parang nasilihan ang puwet ng dalawa at mabilis na nagsitigil. Para silang sundalo na sumasaludo sa kanilang commander.
"Coach, yes! Coach!" At nag-salute pa ang dalawa.
"Kayo talagang dalawa!" Piningot ni Coach Dela Torre ang tainga ng dalawa, tapos binitawang namumula. "Nag-aasaran na naman ba kayong dalawa 'no? Mamaya ha, baka ganiyan ang gawin n'yo, hindi lang pingot ang abot nyo sa akin!" Saka humarap si Coach kay Kaizer. "Ikaw Salvador! Ikaw lang yata nakilala kong presidente ng student council na kolokoy. Kung gumaya ka sa kapatid mong napakabait!"
"Si Coach talaga! Pinagkumpara na naman ako sa bansot kong kapatid."
"Small but terrible, tandaan mo 'yan." Sabay tingin sa iba naming ka-member at pumalakpak sign na tinatawag ni Coach ang lahat kaya naman bumilog kaming lahat.
"Team! Kaya natin 'to at naniniwala ako sa inyo kaya, tayo muna'y magdasal. Salvador-lead the prayer."
Nagulat si Kaizer. May pagulat-gulat pa siya riyang nalalaman eh siya naman talaga ang laging nagle-lead.
"Okay guys, close your eyes and lead the presence of our God. The name of the father of the son and the holy spirit . . ." Nagdasal kaming lahat para sa gabay ni God sana walang ma-injury na kagaya noong nakaraang taon.
"AMEN!"
"Okay team, tara na sa court. Magsisimula na ang laro."
Kinuha namin ang gamit namin. Pagkatapos naming kuhanin ang ilang gamit namin. Lumabas na kami sa nakaassigned na room para sa amin.
Sana manood siya.
Nagsilabasan na ang mga makakatunggali namin. Mukha ngang magagaling kaya dapat lang kaming maging mapagkumbaba at hindi mayabang.
Nariyan na sila pero kulang at si Zander hayun nakaupo sa bench namin at parang may iniintay at kami naman nagsho-shoot ng bola at para na din mawarm up.
"GO ZAGE! GO! GO!"
"WAHHH! GO ZANDER! GO ETHAN! GO KAIZER! GO VHAN!! GO H4!"
Automatic na kukunot ang noo ko kapag naririnig ko ang H4. Si Kaizer kasi ang kasalanan kung bakit kumalat iyon, mukha tuloy masagwa ang group name namin. It's The Four not H4.
Sa current position namin, si Kaizer ang center kaya responsible siya sa jumpball at sa ilalim ng rim. Samantalang ako ang shooting guard, si Zander naman ang power forward at siya rin ang captain at ako ang vice captain. Si Vhan naman ang point guard, siya ang magdedesisyon ng taktika sa laro at ang small forward naman namin si James.
Masyado atang kampante si Zander at nakaupo pa sa bench at mukha yatang may iniintay pa siya. Ako naman, napasulyap ako sa kinaroroonan niya. She's here to watch us.
Sa pagdako ng mata ko mula sa itaas na bahagi ng bench, nakita ko si Christine na nagche-cheer para sa akin. I know, she's the reason why we broke up.
Kaya naman imbes na mainis, tumingin ulit ako kay Sharmaine at nakatingin ito sa direksyon ko, that's why I smile to her, but she didn't smile back.
But I should do anything to bring her sweetest smile again.
Napapunta naman ang tingin ko sa may referee nang marinig ko itong pumito.
Magii-start na ang laro.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? TWENTY-NINE
Magsimula sa umpisa