抖阴社区

HATE ? THIRTY

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh anong sabi?"

"Kumusta na raw ako!"

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Ano? Bakit ganiyan ang mukha mo?!"

"You're crazy!"

Kaya naman napatingin na rin ako sa court at seryosong nanood. Tiningnan ko ang score ng Zage at lamang na lamang na sila ngayon, ang gagaling talaga nila.

Kasalukuyang na kay Zander-sama ang bola at sobrang smooth niyang gumalaw. Noong ipinasa nito ang bola kay Kuya, hindi niya ito na-shoot kaya naman na-rebound ni Zander ang bola at hayun, na-shoot!

Ang smooth, parang Kaede Rukawa.

"WAHHHH!!! ANG GALING MO ZANDER!!!"

"ZAGE! ZAGE! ZAGE!"

"KYAHHHHH!"

Tumingin siya sa direksyon ko sabay kumindat. Parang may sudden heartshock akong naramdaman at biglang pumula ang mukha ko.

Bakit ako kinikilig?

"WAHHH! SINO 'YONG KININDATAN NIYA? BAKA AKO? WAHHHH!"

"HUWAG KANG ASSUMING, HANNAH! AKO ANG KININDATAN NI ZANDER!"

"TSE! HINDI TAYO ANG KININDATAN. HUWAG NGA KAYONG ASSUMING!"

Nagkaroon ulit ng hiyawan noong nakapuntos ulit sila dahil naman kay James. Kasunod niyon ang pag-agaw ng bola ng point guard na si Vhan tapos pasa sa shooting guard na si Ethan at nag-shoot.

"KYAHHHHH!!!"

Nasaan na ang galing ni Kuya? Hindi pa siya nakakapoints.

"KYAHHH!!! ANG GALING MO KAIZERR! I LOVE YOU!!!"

Pagkatapos niyang makapuntos nuknukan na naman ng kayabang ang mukha ni Kuya. Samantalang si Coach Dela Torre naman, mapapansin na kukunot ang noo, pero mayamaya natutuwa dahil nakakapoints.

Mayamaya nagkaroon na ng break at kaagad kong kinuha ang towel at tubig ni Zander-sama.

"Aba! Narito ka pala Salvador E!" puna sa akin ni Coach Dela Torre.

Ang naging tawag ni Coach Dela Torre sa akin ay Salavador E kapag magkakasama kaming tatlo, si Kuya naman Salvador K na ang ibig sabihin ay Kingkong at kay Kian nama'y Salvador K.E.

Lumapit sa akin si Zander saka kinuha ang tubig na hawak ko. Nababanasan ako sa itsura niya kasi sobra siyang pawis na pawis. Kaya inilagay ko sa ulo niya ang towel na hawak ko.

"Punasan mo ang pawis mo, lagkit mo tingnan eh," I told to him, but he just ignore me.

"May nilalanggam na dito Coach!" pang-aasar ni Vhan.

"Tado!" I said short term for tarantado.

"Ahhh, alam ko na kung bakit ginanahan si Cortez kanina! Nariyan pala ang girlfriend niya," dagdag pa ni Coach Dela Torre

"Sir naman! Wala po kaming relasyon!" sabi ko rito.

My friends and his friends as well know what deal we have, kaya siguro our bond is still questionable to them, and God knows I try to explain in the simplest way. But then, Zander insist that we are in a relationship, kaya mas naniniwala sila roon.

Bakit kapag sa akin, hindi sila naniniwala?!

"We have," sabi ni Zander kaya biglang namula ang mukha ko. "Dummy."

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon