"Wala nga eh!" sabi ko. Sa sobrang hiya ko, I throw a towel to Vhan and Ethan.
"Abaaa! Ang sweet naman ni Bansot, hindi man lang ako binigyan!" pagrereklamo ni Kuya.
"Here." Hagis ni Alexia ng towel. "Punta lang ako sa labas, bibili lang." Sabay alis.
"Ay inang!" pang-aasar ni Vhan sabay nabatukan ni Kuya Kaizer.
Lahat kami'y tumawa at mas lamang nga lang 'yung kay Jamie dahil sobrang lakas ng pagtawa niya.
"Hoy! Pumunta na kayo rito at huwag kayong pakampante lang! Maaring humabol pa ang kalaban kayo'y pumarine at may pag-uusapan tayo!" sabi ni Coach Dela Torre.
Kaya naman lumapit na nga ang mga players kay Coach.
NANALO sila katulad namin kaya naman masayang masaya ako kasi para sa karangalan ng Zage 'to! Bukas ulit ang laban nila at sila naman ang mauuuna.
"Congrats! Ang galing n'yo!" sabi ni Kian sa Zage Basketball team.
"Talaga Bunso!" sabi ni Kuya na proud na proud pa sa kanyang sarili.
"Braggart, tss," bulong ni Alexia na ngayon ay narito na.
"Huwag tayong pakasigurado guys, makakalaban pa natin sila," sabi ni Ethan.
Para tuloy akong tanga na nakakanganga rito na hinahanap ang dahilan kung bakit bigla sila naging seryoso.
"Oo nga pala." Naging seryoso rin ang ekspresyon ni Vhan.
Ano bang mayroon? Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagkaihi.
"Sharm, samahan mo ko sa cr," bulong ko sa kanya.
"Sige, paalam muna tayo kina Jamie." Lumapit siya kina Jamie at sinabi na sasamahan lang ako sa comfort room. Pagkatapos, naglakad na kaming dalawa patungo sa comfort room.
Habang tinatahak ang daan patungong comfort room, nakasalubong namin ang grupo ni Katherine. Tila hindi umaayon ang oras sa amin ngayon ah.
"Aba! Ang Ellaine at . . ." Sabay tingin niya kay Sharmaine. ". . . ito ba 'yung nerd na inaagawan ka kay Ethan? Christine?"
"Yeah, siya nga! Saka nagpaganda pa nga 'yan para mapansin lang ni Ethan," sagot naman ni Christine at sabay umirap pa.
"I didn't steal anyone," Sharm defend herself. "And who the hell told you that I change my look because of that guy huh? Ngayon ko lang nalaman na kung sino 'yung nang-agaw at nagpaganda sila pa 'yung pala-gawa ng kuwento."
Napatingin ako kay Sharmaine at sa mga oras na ito, kakaibang Sharm ang nasa harap ko. Ngayon ko lang nalaman na palaban siya at tila may pinanghuhugutan.
"You bitch!" Christine said to Sharm.
"Why don't you call it to yourself?" Sharm asked and hold my hand. "Tara na nga, Ellaine."
Paalis na sana kami nang biglang hinila ni Katherine ang buhok ko kaya napabitaw si Sharm sa akin.
"Bitawan mo ako Katherine!"
"Ano ako utusan mo? Ang kapal naman ng mukha mong utusan ako. Alam mo ba . . ." Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa buhok ko na siya kong ikinadaing. "Kitang-kita ng dalawa kong mata na nilalandi mo si Zander. Nagmamaang-maangan ka pa riyan huh?" sabi nito tsaka nya ako tuluyang sinabunutan.
"Tigilan mo ako Katherine ayaw ko ng away."
"Eh paano namang hindi tayo mag-aaway eh inaagaw mo sa akin si Zander!"
"Stop that, bitch!" sigaw ni Alexia kaya naman napatingin ako sa kinaroroonan niya at kasama niya si Jamie while Sharm, hinihingal ito at sa wari ko'y sumaklolo kina Alexia.
Kaya naman tumigil si Katherine sa pagkakasabunot sa akin. Lumapit naman si Alexia sa amin at inilayo ako kay Katherine. Tila may isang elemento ang sumanib kay Alexia kaya ganito ang aura niya. Nakakatakot.
"Luhh Miss Katherine sya 'yung pinshan ni Zander . . ."
"Oo nga Mitt Katherine, tsa nga po."
"Oh, my dearest cousin-in-law. Kumu—"
"Don't you ever dare to call me your future stupid cousin-in-law if you didn't want to collide my awesome hand to your awful face," sabi ni Alexia. "You will never win by Kuya Z's heart, don't expect too much my dear. You're such a stupid motherfucker and he really hates that."
"So what's your point? I-I know he will love me," naluluhang sabi ni Katherine.
Kung ako si Katherine tatakbo na ako ngayon at hindi na magpapakita kay Alexia kasi sa totoo lang, kahit naiinis siya sa akin, masakit iyon sa part bilang babae.
"I pity you," sabi ni Alexia. "And as far as I know, you'll never be noticed by my cousin and I know him, he didn't bother to look for a girl like you."
"Ano?" pakisabat ni Jamie. "Assuming ka lang Katherine. Hindi ka kailanman nagustuhan ni Zander. Likha lamang 'yan ng malikot mong utak. Ayon? Magkakagusto sa 'yo? Imposible."
Hinigit naman ni Doreen si Jamie.
"Hoy ikaw! Huwag mo ngang pagtalitaan tsi Mitt Katherine ng ganyan!"
"Tumigil ka ngang bulol ka!" sigaw ni Jamie. "Sinasabi ko lang naman kasi ang totoo sa kaibigan n'yo? Masyado na kasi kayong mahangin."
"Tumigir ka ring babae ka!" sigaw ni Irene. "Ang kapar ng mukha mo!"
"Malamang wala namang manipis na mukha palibhasa retokada kang babae ka kaya nanipis ang mukha mo."
"Please stop!" sigaw ko, maya naman napatigil sila sa pakikipag-away.
"Hayaan n'yo na lang sila. Ayan 'yung ikasasaya nila eh, tara na nga Sharm, naudlot ang pag-shishi ko eh.""Hindi pa tayo tapos mga bruha!"
Sumama na lang sa amin 'yung dalawa papunta sa iisang comfort room.
"Sinasabi ko na nga ba eh kaya ang tagal n'yo eh. Buti na lang sumaklolo kaagad si Sharm kundi baka hindi lamang panot ang abot mo roon, makakalbo ka na!" sabi ni Jamie. "Ano ba 'yan Ellaine! Napakaduwag mo talaga! Hindi talaga 'to makakalagpas sa Kuya mo! Sasabihin ko talaga sa kaniya it-"
"Huwag na Jamie, okay na 'yon."
"Ate Ell, Jamie is correct! Kailangan mong sabihin-"
"I didn't mind myself," sabi ko. "Mas inaalala ko 'yung iba. Kapag ni-report natin 'yan sa dean kinakailangan ng magulang. Nasa ibang bansa si Dad at ayaw kong maging troublesome kay Kuya, ayaw kong masira ang reputasyon niya sa school," sabi ko rito. "At naaawa ako kina Katherine, paano ang magiging kinabukasan nila kapag nagkataong pinatalsik sila?" Pumasok ako sa cubicle habang sila naman ay nasa harap ng salamin.
Pagkatapos ko sa loob ng cubicle, lumabas na ako kaagad at nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. "At alam kong nagagawa lang naman nila 'yon dahil mahal nila ang isang tao. They are chasing for their love at gagawin nila ang lahat kahit magmukha silang despereda," sabu ko at pinukulan sila ng makahulungang tingin. "Tara na guys, uwian na kaya!"
Pagkatapos n'on hindi na namin nagawang pag usapan 'yon sa halip doon na lang kami sa bagong topic, which is 'yung naging laro kanina.
Sobrang galing ko raw maglaro sabi ni Alexia. Inamin niya rin sa amin na hindi siya dati nakakapanood ng mga totoong laban kaya namangha siya sa pinakita naming galing sa court.
Kaya naman habang nagkukuwentuhan, sinamahan nila ako papuntang room naming mga players at kinuha ko na ang gamit ko.
Sa paghihiwalay ng aming landas pauwi, sumabay kina Kian kasi may pupuntahan pa raw sina Kuya, kaya matik na kasama niya si Zander.
Paglabas ng sinasakyan namin, nakita ko si Alexia na parang may inaaway na lalaki. Galit na galit si Alexia at 'yung lalaki nama'y mukhang nagmamakaawa. Gumagana na naman ang aking pagkakuryosidad.
Sino naman kaya 'yon?

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? THIRTY
Magsimula sa umpisa