抖阴社区

HATE ? THIRTY-FOUR

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako natatakot na ma-expell, basta't mapagtanggol ko lang ang mga kaibigan ko.

"Narinig mo rin ba 'yon Jamie?" biglang tanong ni Alexia.

"Oo."

"Grabe naman sila sa ilalampaso eh wala namang ginawa si Ellaine para magalit sila ng ganiyan, grabe! I want to burn them alive," sabi naman ni Sharmaine.

Napaisip tuloy ako sa kung anong gagawin ni Ellaine mamaya para matalo ang kalaban. Kung ang basketball may ginawa para matalo ang Empire. Ano naman kaya ang sa volleyball?

LAHAT kami'y nakapuwesto na sa bleachers. Malapit lang kami sa bench nina Ellaine. Napansin kong si Zander pa lang ang wala sa magbabarkada kaya nagtaka ako.

Hindi ba siya interesado sa laro nina Ellaine? I thought they were okay now.

I look to Ellaine. She's currently sitting on their bench at parang may malalim na iniisip. Noong tinawag na siya ng mga ka-miyembro niya, she's pre-occupied kaya lalo akong napaisip, may problema kaya siya?

Mayamaya, sumalang na sila sa court at nasa Empire ang bola. Noong nag-serve na ang taga-Empire, kaagad na pinapatamaan si Ellaine na wala sa sariling maglaro.

That's why they got a point, and Ellaine furrowed her eyebrows.

"That's okay guys, may oras pa," sabi ni Angela.

Lalong nagpa-init ang atmospera ng gym noong nagsimulang mag-cheer ang nasa kabilang panig. Siyempre kami, hindi namin alam kung magchecheer kami kasi kahit na mag-ingay kami rito, masasapawan lamang kami ng hiyawan nila.

Kaya naman ang bola pa rin ay nasa Empire at noong nakatira na ulit ang kanilang setter, pinatamaan ulit si Ellaine, sa mukha.

Nabalot ng tawanan ang buong gym kaya naiyamot ako. Gusto ko na sanang sugurin 'yung babaeng nangtama ng bola kay Ellaine nang bigla akong pinigilan nina Sharm at Alexia.

"It's an official game, Jamie, remember that," sabi ni Sharm.

"Sharm was right, control your temper, alam kong makakabawi sina Ate Ell, just wait for her." And Alexia winked.

"Anong nangyayari sa Zage?"

"Wala naman pala si Ellaine eh, puro yabang lang ata 'yung pinakita niya noong nakaraang araw."

"Mukhang ipapatalo niya pa ang Zage."

"Nakakainis nga eh bakit ang tatanga nilang maglaro?"

Matapos ang the first to the third set, ang score ng Zage ay 16-31-18, while Empire got 25-29-18, which means both teams have the same wins, losses, and ties.

Gosh, very intense.

Mayamaya, nagkaroon ng time out kaya naman pumunta na ang aming pambato sa kanilang bench.

"What the heck are you doing Ellaine? Gusto mo ba tayong ipatalo?" Remi irritatedly asked. "Kapag naman napunta sa 'yo ang bola, huwag kang pabaya!"

"Please naman Remi, huwag ka namang dumagdag sa tensyon! I know Ellaine, hindi siya pabaya at saka kita n'yo naman na lagi siyang pinapatamaan! Let's just assist her!" sabi ni Angela at saka tumingin kay Ellaine na tahimik lang na nakaupo sa bench.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon