抖阴社区

HATE ? FORTY-THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit mo hindi binura ang post?"

"Huli na! Kalat na kalat na ang pictures ni Katherine. Hindi na rin ma-delete ng admins at moderators ang picture dahil kahit mismong forum, na-hack na rin," sabi ni Shawn. "Hindi si Ellaine ang may gawa niyon, kundi si . . ."

"Si Doreen," pagtutuloy ko sa sinasabi ni Shawn.

"P-Paano ako nadamay sa isyung 'yan? 'Di ko magagawa 'yan 'no!" kontra ni Doreen.

"Bakit naman nadamay rito ang kaibigan ko?" tanong ni Katherine. "Hindi gagawin ni Doreen 'yon!"

"Sinasabi ko na nga ba eh! Tama ang kutob kong isa sa kanila ang gumawa niyon," bulong ni Jamie.

"At talagang bumubulong ka pa riyan eh naririnig ka naman namin!" sabi ni Doreen.

"Oh eh bakit natamaan ka?" Sabay halakhak ni Jamie. "E 'di ikaw nga ang may kasalanan!"

Napadako ang tingin ko kay Shawn at ngayo'y may kinuha ni Shawn sa bag nya at linakita nya ang content ng nasa laptop. "Narito ang pruweba na si Doreen ang naka-match sa address at kung sino ang naunang nang-hack ng account mo, Jamie."

"Huwag n'yo akong pagbintangan sa kabaliwang 'yan!" sabi ni Doreen na todo deny pa.

"At dapat malaman lahat ng mismong Kuya mo ang lahat ng nangyari sa 'yo, Ellaine, noong araw na wala siya sa campus."

Napalaki ang mata ko at dumako kina Ellaine at Shawn ang tingin ko. "A-Anong dapat malaman?"

"Na biktima ng bullying si Ellaine," sabi ni Vhan na siyang ikinagulat namin. May alam si Vhan? Heto ba 'yung tinutukoy na dahilan ng sigalot na 'to?

Bakit wala akong alam!?

"Go, continue, Mr. Alonzo," sabi ni Dean.

"Sorry Ellaine at Jamie, alam kong nangako ako, pero ayaw ko namang maging piping saksi na lang sa lahat nangyari sa 'yo. Tama si Shawn, Kaizer, dapat mong malaman ang lahat ng nangyari kay Ellaine."

"Ito po bang proof na nagsasabi kami ng totoo ni Mr. Alonzo," sabi ni Shawn saka ipinatong ni Shawn ang laptop niya sa table ng dean at lumapit naman kaming apat doon.

Nasasaksihan namin ngayon kung gaano nila sinasaktan ang kapatid ko at halos hindi ko makaya ang napapanood ko.

Alam kong marami na akong nakikitang ganito sa school, pero hindi ko alam na kasama na pala sa binubully ang kapatid kong si Ellaine. Napakawalang kwenta kong Kuya. Nakakahiya ako! Wala akong kaalam alam sa nangyari.

"H-Hoy, naiinis lang kami kay Ellaine pero hindi kami nambubully sa kanya!" kontra ni Christine.

"Ano't tatanggi ka pa riyan eh palagi n'yong binubully si Ellaine, pero ayaw lang talagang magsumbong ni Ellaine kasi ayaw niyang magkagulo," sabi ni Sharmaine.

"Mas malala pa talaga ang nasasapit niya kaysa sa ibang nabully," sabi ni Jamie. "Baka nga binubully rin siya habang nakatalikod kami eh."

"And they were the one who set-up doon sa nangyari noong awarding," sabi naman ni Taba. "Nariyan na rin po sa laptop ni Mr. Ramirez ang evidence."

Lalong uminit ang atmospera sa kwartong ito nang dahil sa inihahayag nila. Hindi ko magawang magsalita dahil wala akong alam sa nangyari.

"Malakas na ang ebidensya na bully kayong apat at si Doreen ang tinuturong nag-post ng article using Miss Jackson's account," sabi ni Ma'am Dean.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon