"Calm down Miss Jackson! Gagawin namin ang lahat para malaman ang katotohanan," sabi ko kaya napatahimik siya.
"Fine!" iritang sabi niya. "Correction it pronounces as Jacksen."
"Okay Miss Jacksen, just stay calm muna ah at huwag kang magpaka-stress! Saka hindi naman papayag si Kaizer na mapatalsik si Ellaine."
"Gawin n'yo talaga ang dapat! Kasi nakakainis talaga! Lilipad talaga 'tong phone ko sa pagmumukha ng walanghiyang gumawa nitong gulo na 'to!" sabi niya nang may pagbabanta.
"Go lang!"
"Tss, baka gusto mong makatikim din ng flying phone?" pagbabanta niya.
"Chill lang! Lagi kang highblood eh!"
"Nako, talagang ayusin n'yo 'yan ah! Saka sabihin mo pala riyan sa Zander na 'yan, huwag siyang malandi! Dapat umakto lamang siya bilang boyfriend ni Ellaine for the sake of the deal kasi kapag hindi niya rin tinupad ang kasunduan, pipilitin namin si Ellaine na lumayo sa kaniya! Bwis*et!"
"Copy that Madam!"
"Kasi kapag lumayo si Ellaine sa kaniya, wala na talagang chance maglayag ang ship ko! Hindi na nga maglalayag, mauungasan naman siya ni MJ na pumoporma ulit sa kaniya!" sabi nito. "Just keep that as a secret ah! Galit pa rin ako riyan kay Zander!" Sabay tumayo sa upuan niya. "Thank you pala sa pagtitiwala sa amin."
"Alam ko naman na hindi kayo gagawa ng gano'ng bagay," sabi ko nang puno ng sinseridad.
Maglalakad na sana siya kaso naudlot lamang ito at humarap muli sa akin.
"Nalimutan kong sabihing na-hack nga pala ang account ko, baka magawan ng paraan para mabuksan para lang sa imbestigasyon."
Kaya pala hindi nito nadelete kaagad ang post kasi hindi niya mabuksan ang account niya.
May sasabihin pa sana ako kaso bigla na itong lumisan. Nalimutan kong sabihin 'yung dapat kong sasabihin sa kanya na kung pwede kong sabihin sa mga kaibigan ko 'yung nangyari kay Ellaine.
Ala! Bahala na nga.
Bumalik na lang ako sa school dahil alam kong kailangan na nila ako. Noong pagdating ko sa tambayan namin, nandoon na si K.O na kasalukuyang nagtitipa sa kanyang laptop.
"Bunso, kailangan mong malaman kung sino ang nag-post ng article na 'yon, ora-mismo," sabi ni Kaizer kay K.O.
"Opo Kuya! Hindi ko hahayaang masangkot sina Ate sa kaguluhang ito," sabi naman ni K.O.
K.O. is also known as Kian Enzo Ang Salvador, an anonymous top player of Legends of Evergreen and a computer expert, at a young age.
"Tama!" sabi ni Ethan. "Hindi ako naniniwalang sila ang gumawa niyon, saka base sa sinabi ni Zander, mayroong puno't dulo ng lahat ng nangyayari na ito. Hindi lang sure ni Zander kung ano ito, tama ba ako bro?"
"Yeah," sagot ni Zander.
"Oo nga pala Zander-dre . . ." Napaharap naman ito sa akin. "Kung ayaw mo raw gampanan ang deal n'yo ni Ellaine, pipilitin nina Jamie na paglayuin kayong dalawa at ang kapag nangyari iyon, mauungasan ka ni MJ."

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FORTY-TWO
Magsimula sa umpisa