"Kanino mo iyan nalaman?" tanong ni Kaizer.
"Nakipagkita ako kay Jamie kanina," sagot ko.
"Nak-o! Gawain mo ang lahat huwag lang ma-fall ulit si Ellaine kay MJ!" sabi ni Kaizer kay Zander. "Kasi talagang grabe! Inaalala ko 'yung damdamin ni Ellaine na baka mamaya masaktan ulit siya gawa ng gunggong na iyon!"
Napalunok ako ng laway noong nakita ko ang ekspresyon ni Zander ngayon na para bang papatay na siya ng tao.
"Alam n'yo po mga Kuya . . ." sabat ni Kian-I mean ni K.O. "Alam kong maaayos n'yo rin ang kaguluhan at pagkatapos nito go to dean's office para managot ang talagang may kasalanan nito," suhestyon ni Kian. "Ikaw po muna ang in-charge sa laptop ko," sabi pa nito sabay tumingin sa kuya niya. "I need to hide my identity po eh."
"Sige. Tapos ka na ba riyan?"
"Hindi pa po Kuya, inoopen ko pa lang po ngayon 'yung account ni Ate Jamie."
Bigla kong naaalala ko 'yung sinabi sa akin ni Jamie kanina. "Oo nga Kian, na-hack nga raw ang account ni Jamie, baka iyan ang ginamit na account para mai-post 'yung malalaswang litrato sa forum."
"Oo nga po Kuya Vhan, kapansin-pansin na may nang-hack ng account ni Ate Jamie. Hindi na rin po nakakapagtaka na ma-hack siya kasi siya ang head ng school journalism kaya siya po talaga ang pupuntiryahin nang hacker."
"Oo, may punto ka riyan Kian," pagsang-ayon ko.
"Ang galing mo talaga kapatid!" Proud na proud pa si Kaizer na ginulo ang buhok ni Kian. Hangang-hanga na naman ang unggoy niyang Kuya, pero talaga namang nakakahanga si Kian kasi in that age, ang galing niya na sa hacking at about computers.
But I know Zander, alam niya kung paano ito aayusin, hindi lamang siya nakikialam, siguro may iba pa siyang pinaplano.
"Saan lang naman ako natuto? Sa 'yo lang naman po, Kuya," sabi naman ni Kian.
"Bilib na ako sa 'yo," sabi ko pa.
"Heck!" naiusal ni Kian sabay kumunot ang noo nito, isang senyales na may nakita siyang mali.
"Anong nangyari?" tanong ni Ethan.
"Dalawa po ang nang-hack sa account ni Ate Jamie," sabi ni Kian at napatipa ng mabilis sa kanyang laptop.
"Oh, anong mayroon?" tanong ni Kaizer.
"'Yung isa pong nang-hack, pinalitan ang password at 'yung isang hacker naman 'yung nag-post ng picture using Ate Jamie's account." Sabay tigil niya. "Kuya, can you get my phone po?"
"Heto oh." Sabay binigay ni Kaizer ng phone kay Kian.
"As I expected, tatawag 'yung hacker sa akin," sabi ni Kian saka tiningnan kami.
"Loudspeak mo," sabi ni Kaizer.
Sinagot naman ni Kian ang phone at ni-loudspeak ito. Kami namang kasama ni Kian ay tahimik lang para makinig sa magiging usapan nila.
"K.O you really got a hint."
"In the first place, you are the one who I suspected. Am I a great, Dawn?"
"You're not and I'll prove to you that I am the who's great," sabi nito sabay humalakhak, nakagamit ito ng voice changer kaya 'di namin ma-recognize kung sino 'yon and even Kian he change his voice same as Kaizer's broaden voice. "I am challenging you to have one on one game in Legends of Evergreen."
"Interesting, but how do I sure that you don't cheat huh?"
"A great man doesn't cheat so why would I cheat? Oh come on, are you afraid?"
"Nah, I'm just testing your honesty and of course, I will accept your challenge, and how 'bout the deal?"
"If you win I will reveal myself as Dawn in the Dean's office and stand as a witness and if you lose, you will reveal yourself as K.O."
"Deal. When will it happen?"
"Tonight."
Call ended.
"K.O vs. Dawn? What a fascinating game huh," Zander said.
"Dawn is a rank number two computer expert and second placer in Legends of Evergreen. Last year ko lang siya natalo."
"Kaya mo ba siyang matalo ulit?" tanong ni Kaizer.
"Nakatsamba lang po ako no'ng last year, pero ngayon po kakayanin ko talaga, hindi para matago ang aking identity kundi para kina Ate."
"I believe in you," Zander sincerely said.
Kaizer
NAKA-READY na ang computer na gagamitin ni Kian mamaya na nasa study room lang. Tulog na tulog na si Ellaine samantalang kaming dalawa ni Kian ay nakatapat pa sa computer namin.
"Ready ka na ba Kuya?" tanong ni Kian sa akin.
"Dapat ikaw ang mag-ready, kapag kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang."
"Sige sige Kuya," sabi nito.
Sa totoo lang, pagkarinig ko lamang ng Dawn, biglang sumagi sa isipan ko ang dati kong nakalaban. Gaya ni Kian, sobra rin akong gumamit sa computers noon, tinigil ko lang since I am part of student body, at baka maapektuhan pa ang studies ko kaya minabuti kong tumigil. I even remember my name before and it was D.C means death club.
"Heto na Kuya," sabi ni Kian sa akin. "Bago po ako magsimula, kung sakali man na nanalo ako po ako Kuya, gusto kong ipakilala mo ang sarili mo bilang K.O."
"I understand."
Humarap muli siya sa computer at ako naman ay nakaramdam ng kaba. Alam kong kaya 'to ni Kian, may tiwala ako sa kanya.
"Heto na!"
Pagkasabi niyang 'yon, nag-start na itong magtipa sa computer. Lumabas naman ako para hindi ako maka-istorbo sa kaniya.
Nakipag-videocall naman ako kina Ethan at Vhan. Hindi kasi online si Zander kaya kaming tatlo lamang.
"Oh, ano na ang nangyayari?" pasigaw na tanong ni Vhan.
"Shhh! Humanda ka sa akin kapag nagising si Ellaine at sina Yayey!" pabulong ko.
"Ano na ngang nangyari?" tanong niya ulit at sa puntong ito, mahina na ang pagkakatanong nito.
"Huwag kang atat Vhan at nagko-concentrate si Kian kaya nga ako lumabas sa study room eh," pabulong ko, pero napapalaki ang mata ko dahil sa inis.
"Hey bro," si Ethan. "Balitaan mo kaagad kami ah!"
"Oo! Hintayin n'yo lang-"
Biglang lumabas na si Kian sa study room at inalis ang kanyang headphone. Napatayo naman ako at naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko.
"Kuya," he called me.
"Huwag mong sabihing . . ."

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FORTY-TWO
Magsimula sa umpisa