"Madam Young Master."
Tumingin ako kay Manong Francis. Teka, ako ba ang tinutukoy niya?
"Madam Young Master, hindi naman po sa nanghihimasok pero may relasyon po ba kayo ni Young Master Zander?"
A-Ako nga ang tinutukoy nyang madam young master kaya naman bigla akong napatawa. "Wala po kaming relasyon, mag-kaibigan lang po kami ni Zander," pageexplain ko. "Saka po, huwag n'yo na po akong tawaging madam young master, gusto ko pong tratuhin n'yo po ako na parang isang normal na tao."
"Talagang karapat-dapat ka lang po Miss Ellaine para sa aming young master," sabi niya at ngumiti sya sa akin ng kakaiba. How could he know my name, hindi pa ako nagpapakilala. "Hindi na po kataka-taka."
Weird, parang amo niya.
"Madam, ito na po ang pagkain n'yo."
Goodness, pagkain pa ba 'tong nasa harap ko? Parang ayaw kong galawin dahil sa ganda ng plating design.
"Sige po Miss Ellaine, mauna na po ako at kapag may kailangan lang po kayo ito po . . ." Itinuro niya ang mini bell. "Patunugin n'yo lang po 'yan."
Nahihiyang tumango ako. "Salamat po."
Noong nakaalis na siya, sinubukan ko namang kumain na parang isang katanyag-tanyag na tao. Kaso nahihiya ako kasi bawat kilos ko, tinitingnan nila at napabuntong hininga na lang ako.
Weird ba talaga ang mga tao rito?
"Sila na kaya ni Young Master? Ang sakit."
"Ano ka ba! Bakit ka naman nasasaktan diyan?"
"Crush ko kaya si Young Master."
"Tanggapin mo na ang katotohanan na wala ka nang pag-asa."
"Bumalik na lang kayo sa ginagawa n'yo."
Pati ba naman sila, pag-iisipan nila kami na may relasyon kaming dalawa ni Zander.
Pagkatapos kong kumain, napagdesisyunan kong ako na lang ang magdadala ng pinagkainan ko sa may hugasan. Noong paglabas ko narinig ko na may tumawag sa akin . . . "Ellaine?"
Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses. Noong na-recognize ko na ang taong 'yon, napakurap pa ako ng ilang beses. Hindi ako nagkakamali na si Ma'am Ziamara ang nasa harap ko.
"Ma'am Ziamara?" tanong ko. "Ano pong ginagawa n'yo rito?"
"I am part of this family." Ngumiti siya at hinawakan pa ang aking balikat. "Zander's eldest sister, saka call me Ate na lang."
Napapikit ako ng mariin at nahihiyang tumingin kay Ma'am. Hindi ko talaga alam na magkapatid sila.
"Hayys," usal niya. "Hindi mo rin alam na magkapatid kami 'no?" tanong nito at napatango ako bilang tugon. "Ayos lang 'yon Ellaine, hindi talaga mahilig si Yosh na mag-kwento."
Ang dami pa palang bagay ang dapat kong malaman kay Zander. Ngayon ko lang kasi nalaman na may kapatid pala siya, hindi man lang niya kasi nagagawang mag-kuwento. Isa akong malaking hangal, dapat matuto rin akong magtanong sa kanya.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FORTY-FIVE
Magsimula sa umpisa