Bigla na lamang nangatal ang aking kamay at hindi ko sinasadyang maipatak ang pinggan. Sa sobrang gulat ko, bigla ko itong inimis.
Bakit tatanga-tanga ko naman ngayon?
"Hahaha."
"M-Ma'am, sorry po kung nakabasag ako ng pinggan bigla po kasing nangatal ang kamay ko kaya po . . ."
"Ellaine, ayos lang kaya huwag mo ng pulutin 'yan baka mabubog ka pa."
"O-Okay lang po Ma'am ako naman po ang nakabasa-"
"What's going on?" tanong ni Zander na kadarating lang.
Pinagpatuloy ko ang pagpulot ng nabasag kong pinggan. Kamalasan nga naman oh, pasmado na siguro ako dahil naipatak ko 'yon. Grr.
Nagutla ako noong bigla niya akong pinigilan na maglinis at hinaltak ang aking kamay. T-Teka, nararamdaman kong may umaagos sa kamay ko.
"Ziamara."
Tiningnan niya lang ng kalmado si Ma'am at tinawag na ni Ma'am ang mga katulong para maglinis.
"Manang, ready our clinic," sabi ni Ma'am.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Nagutla ulit ako nang bigla niya akong binuhat na parang isang bride. Hindi na ako nakapag-react pa sa ginawa niya at hindi ko tuloy magawang makahinga ng maayos. Habang karga-karga niya ako, tinitigan ko siya. Habang natagal nawiwirduhan na ako sa pinaggagawa niya. Imagine sa simpleng sugat, big deal na sa kanya.
"Takot ka nga sa dugo 'tapos iisipin mong big deal sa akin 'yon. Tingnan mo nga ang sarili mo nakakatingin ka ba ng diretso sa sugat mo, dummy."
Napabusangot ako nang dahil sa sinabi niya. "Apaka-talino mo naman," banat ko pa.
Iniupo niya muna ako sa kama saka niya inihinda ang gagamitin niya para sa aking sugat. Goodness, napapairap na lang ako.
Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng clinic.
Masasabi mong kahanga-hanga ang designs lalo na 'yung nakadikit sa pader na painting.
Tatayo na sana ako nang bigla kong naramdaman na tumingin siya sa akin. Nakakatakot na tingin, nakakaintimidate.
"Stay."
Kaya naman umayos ng upo. Lumapit siya sa akin at nilinis ang aking sugat sa kamay.
"Sorry nabasag ko 'yung pinggan at sorry kung napaka-clumsy ko," sabi ko.
"If you play with fire, you were get burned." Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niyang 'yon. Why do I play with fire kung alam kong masusunog ako?
"Stay here," sabi niya. Bigla ko namang napansin na dumating si Ma'am Ziamara kaya tumingin si Zander kay Ma'am . . . "And Ziamara." He shifted his gaze to me.Lumapit naman sa akin si Ma'am Ziamara at umupo sa tabi ko.
"Hayys, kahit kailan hindi ko talaga mabasa ang tinatakbo ng isipan ng kapatid kong 'yon," sambit ni Ma'am.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Wala 'yon, huwag mong intindihin, saka salamat pala sa 'yo ah."
"Bakit naman po kayo nagpapasalamat?" takang tanong ko.
"Matagal-tagal nang hindi siya nauwi rito, siguro ngayon lang ulit no'ng kasama ka."
"Eh?" tanong ko. "Saan naman po siya natutulog?"
Kung ganiyon, kung hindi siya rito nauwi saan siya umuuwi? Mababatukan ko talaga siya, baka nakikitulog lang 'yon kina Ethan? Err, malabo.

BINABASA MO ANG
Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] Completed
RomanceWARNING: This is an extraordinary romance novel that will capture your heart and stay with you until the very last page. - - When Ellaine Salvador discovered the truth about what Zander had done, she was devastated-dismayed beyond words, and consume...
HATE ? FORTY-FIVE
Magsimula sa umpisa