抖阴社区

HATE ? FORTY-FIVE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa condominium siya natuloy."

Napasulyap ako sa may pinto no'ng nakita kong nakabalik na si Zander. "Ate Z, where are you?" Bigla akong napahawak sa dibdib ko noong pumasok ang dalawang babae sa loob ng kwartong ito. Si Alexia at 'yung isa, sino naman siya?

"Ate Ell! Narito ka pala, kasama mo si⁠—ayiee!"

"Ikaw po ba 'yung kapatid ni Kian?"

Bigla akong nagtaka dahil sa naging tanong sa akin ng babaeng kasama ni Alexia. Mga halos kasing age lang niya si Kian.

"A-Ah, oo," sagot ko. "Bakit mo siya kilala?"

"Kaklase ko po siya and I'm Zoey."

"She's my sibling too," Ma'am Ziamara said.

Tatlo silang magkakapatid at siya lang ang kaisa-isang lalaki sa kanila. Goodness. Marami pala siyang kamag-anak and he didn't bother to say anything to me! Hmmpk, ano nga naman ako sa kanya 'di ba?

"Una na kaming tatlo ah?" sabi ni Mam Ziamara kaya naman tumayo siya sa kinauupuan niya. Saka naman sila umalis sa loob ng kwartong ito.

"Sumama ka sa akin."

Hindi ko alam pero kusa akong sumama sa kanya na para bang hindi ko pinag-iisipan. Lumabas kami sa kwartong ito at sinundan ko lang siya kung saan niya ako dadalhin, pero habang sinusundan siya, nililibot ko naman ng tingin ang mga nasa paligid.

Nakakamangha ang bahay nila, para bang art, sa sobrang galing ba naman ng designs and interior ng kanilang mansyon.

Hindi ko napansin na narito na pala kami sa likod ng kanilang bahay at nakakamangha, sobra rin lawak nito.

Sinundan ko lang siya hanggang makaupo na siya sa tabi ng pinakang malaking puno rito. Kapansin-pansin ang liwanag ng buwan na nasa kalangitan, kaya naman umupo na rin ako sa tabi niya.

Hindi siya umiimik, may problema kaya?

Napakurap ako ng ilang beses at tumingin sa napakaliwanag na buwan. Naalala ko tuloy si Mama kasi sobrang hilig niyon sa mga celestial bodies.

"Have you already moved on, from your mother's death?"

Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa naging tanong niya. Anong isasagot ko?

"Mmm . . ."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil binigla niya ako sa naging tanong niyang 'yon.

"Nevermind," sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Paano kung sabihin kong hindi pa . . ." Sa pagkakasagot kong 'yon, napalayo ako ng tingin sa kanya. ". . kasi sobrang sakit dahil habang nakikita kong nasusunog ang kotse ng sarili kong ina. Wala man lang akong magawa para iligtas siya."

Tiningnan ko ulit siya at sa pagkakataong ito nakatingin din siya sa akin. Oo, napakaseryoso, nakakaintimidate.

"Do you still love MJ?"

Napalaki naman ang mata ko dahil sa naging tanong niyang 'yon. "I-I guess, it is not love. I called it as an affection."

"Who is your first love?" he asked me. Bakit nagiging palatanong siya?

Huminga ako ng malalim. "Si Zy," sabi ko. "Pero hindi na 'ata ako niyon natatandaan kasi hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita, kaya baka kinalimutan niya na ako. Sobra akong naghintay sa kaniya, pero hindi niya ako nagawang hanapin," sabi ko. "I wait for him just like what he told me in a letter," sabi ko pa. "Alam mo ba? He promised me to watch fireworks with him? I waited him but he didn't come. He didn't tell me the reason. Kaya sobrang sama ng loob ko," sabi ko at pinipigil ko pang maiyak dahil nakakahiya. "Pero pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niyang hahanapin niya ako at kahit na ganiyon, hihintayin ko pa rin siya kahit madaming taon pa ang lumipas. Pero sa oras na napagod ako, siguro aatras na ako."

Saglit na napaawang ang bibig niya at iniintay ko siyang umimik, pero hindi siya naimik. Sobrang tahimik, halos simoy ng hangin at ingay ng mga kuliglig ang naririnig ko.

"Are you tired of waiting for him?"

"Yes," sagot ko.

"Why you change love?" he asked.

"Ihatid mo na ako," sabi ko to avoid his question.

Pagkatapos kong sabihin 'yon, hinigit niya ako papunta sa kanya at niyakap. Naririnig ko pagtibok ng kanyang puso, bumibilis na hindi ko alam.

Kaya naman napatikhim ako. Ako 'yung namumula sa ginagawa niya eh. Tumikhim ulit ako.

"H-Hindi ako makahinga."

He's acting weird at pabago-bago ang mood niya. Suplado tapos magiging mabait. Nakakasura. Kinakabahan na ako sa kanya o baka pahiwatig ito na . . .

"Ik hou van jou, lieverd."

Talagang gusto ko ulit siya.

Let Me Hate You First [ISWAH Part 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon